Ang “Waterloo” ni Rep. Antonio Kho

SULSOL NG mga “tsuwariwap” na nakapaligid sa kanya at sa kanyang asawa na si dating Gov. Olga Kho ang tunay na salarin kung bakit naligwak ang re-election bid ni Olga noong 2010.

At ‘yan din, parekoy, ang natatanaw natin na magiging “waterloo” na siyang tatapos sa political career ni Masbate 2nd District Rep. Tony Kho.

Na ang ibig sabihin ay tuluyan nang mabubura sa mapa ng pulitika sa probinsya kong mahal ang apelyidong Kho!

Tiyak ‘yan… kahit itanong pa ni Kho kay Madam Auring!

Huwag lang siyang magtanong kay Tata Rod! Hehehe.

Kung magbalik-tanaw lamang si Kho sa nakaraang election, kung saan ang mga numero unong “sipsip” sa kanilang mag-asawa ang siya pang mga unang-unang bumalimbing nang matalo na si Olga… marahil ay napapanahon na para ang “utak” naman ang gamitin ni Tony Kho.

Dahil ang gusto ng mga sulsulerong nakapaligid kay Kho na dipahan pa rin nito ang buong Masbate, gayong nagdudumilat ang katotohanan na hindi na nito kaya!

Kung hindi lang umiral, parekoy, ang kayabangan, kasakiman at kawalang-utang na loob, dapat ay aminin na ni Tony Kho na hindi na ito ang kanyang panahon.

At maling-mali siya kung iisipin niyang kailangan siya sa political career ni Masbate City Mayor Socrates “Ates” Tuason.

Dahil ang katotohanan, si Mayor Tuason ang kailangan ni Tony Kho para sa survival ng political career ng pamil-yang Kho!

Noong nakaraang election ay napatunayan na ‘yan na kung hindi naging tapat si Ates sa kanilang “sumpaan” ay wala na sanang Congressman Tony Kho ngayon!

Tangna, alam na alam mo ‘yan, Antonio!!!

Sa ngayon, kung partido ang pag-uusapan ay si Mayor Ates Tuason ang manok ng Palasyo bilang orihinal na Liberal sa buong lalawigan ng Masbate.

Si Lanete ay NPC noong 2010 samantalang sa partidong Lakas naman si Kho.

At kung titingnan, parekoy, ang lahat ng anggulo, si Ates lamang ang may kakayahan sa kasalukuyang panahon na pag-isahin o i-unite ang lahat ng pulitiko sa buong Masbate na hindi sumasang-ayon sa administrasyon ni Gov. Rizalina Lanete.

Na kung hindi rin lang si Ates ang magiging kalaban ni Gov. Lanete ay posibleng manahimik na lang ang mga pulitikong ito o kaya ay makipag-ayos muli kay Dayan!

Uulitin ko, parekoy, kung gagamitin lamang ni Kho ang natitira pa niyang utak, ang kaligtasan ng political career ng pamilyang Kho ay kung magiging magkasama sila ni Masbate City Mayor Ates Tuason para mapakinabangan niya ang suporta ng mga avid supporters ng Tuason.

Maaaring mangyari ito kung makikipagkasundo siya kay Ates at suportahan si Ates bilang gobernador ng Masbate o Congressman sa 2nd District.

Sa sunod na isyu, parekoy, ay hihimayin natin ang dalawang katangian ni Ates kung bakit buong suporta ang ipinagkakaloob sa kanya ng mga Masbatenyo, lalo na ang mga kabataan at nagmamahal sa katahimikan.

Dahil maliban sa pagiging project-oriented, hindi ito utak-pulbura!!!

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleIsyu na naman
Next articleKung ‘di pa raw tanggap ni Melissa Ricks ang pagkakamali niya
Jake Cuenca, wala na raw magagawa!

No posts to display