KAKAIBA AT bukod tangi ang sex trip nitong isang government official. Ang hilig ni Sir ay hindi sa mga dalaga kundi sa mga babaeng may asawa. Pero ang ipinagkaiba ni Sir sa mga kalahi niya ay pinapatos niya ang mga misis na may basbas sa mga mister. Paano nangyari, ‘ika n’yo?
Sumasali si Sir sa tinatawag na wife swapping trip. Kung minsan, pumupunta pa si Sir sa ibang bansa para makipag-hook-up sa mga sikretong grupo ng wife swapping tulad ng sa Hong Kong at Singapore.
Pero kung sa akala ninyo na ipinagagamit ni Sir ang kanyang misis sa weirdong sex trip niyang ito, nagkakamali kayo. Minomodus ni Sir ang kanyang mga nakaka-sex trip na couple. Ang istilo niya ay manliligaw siya hanggang sa masosyota ang isang babae sa club na may anak na.
Susundan niya ito nang pagpapakuha ng iba’t ibang mga litrato kasama ang kanyang girlfriend sa club at baby nito. Pagkatapos ay ipo-post niya ang mga larawang ito sa Facebook gamit ang private account.
Ito ang gagawin niyang mga ebidensya para ipatunay sa magiging katransaksyon niyang mag-asawa na misis niya ang kanyang ipinakikilala sa kanila. Siyempre, para mas lalong maniwala, mayroon ding pinapanghawakang pekeng birth certificate si Sir para sa baby ng kanyang club girl at marriage contract. Malaking pasasalamat ni Sir sa mga suki niya sa Recto.
Minsan nang dumayo si Sir sa Cebu para makipag-hook-up sa isang grupo na sumasali sa wife swapping, nabuking ang kanyang modus dahil ang mister ng misis na makaka-sex niya ay nakilala ang kanyang dalang girlfriend galing sa club sapagkat ito pala ay naka-table na dati ni Mister noong mapasyal ito minsan sa Maynila. Muntik nang mabaril si Sir ng bodyguard ng organizer.
Si Sir kasi ay hindi kataasan ang puwesto sa gobyerno at hindi siya nai-interview sa media kaya nakalulusot siya sa mga nakaraan niyang modus operandi sa iba’t ibang probinsiya. Pero nang dahil sa Cebu incident, sunog na ang kanyang modus dito sa Pilipinas kaya sa abroad na lang niya ginagawa ang weirdong kamanyakan niya.
ISANG PANG government official ang may kakaibang modus naman. Ang modus niya ay para palabasin na siya ay babaerong macho. Pero sa totoo, siya ay isang “alanganin”.
Nanliligaw si Sir ng iba’t ibang magagandang babae. Mapalad si Sir dahil agad naman siyang sinasagot ng kanyang mga nililigawan. Ngunit kapag naging girlfriend na niya sila, ni isa sa kanila ay hindi niya kinaka-sex dahilan para hindi tumagal ang relasyon niya sa lahat ng kanyang nagiging girlfriend.
Kapag nakakasiping ni Sir ang kanyang mga girlfriend sa gabi, literal na binabasahan niya sila – hindi ng komiks, kundi ng mga magazine at libro hanggang sa makatulog siya at ang kanyang kasiping. Paggising nilang dalawa, diretsong uwi na kahit pa kumakalabit si girlfriend at nagpapahiwatig.
Ang madalas na idinadahilan ni Sir para makaiwas sa pakikipag-sex sa kanyang girlfriend ay sumakit ang kanyang ulo at sinusumpong daw siya ng migraine.
Sa umpisa, bumebenta naman ang palusot na ito sa kanyang mga girlfriend pero sa bandang huli ay nabubuking na rin siya, at dito na sila nakikipag-split sa kanya.
ANG WANTED Sa Radyo ay napakikinggan sa 92.3FM, Radyo5 – Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00pm. Ito ay naka-simulcast sa Aksyon TV Channel 41.
Ang inyong lingkod ay napanonood din sa programang T3 Reload sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 5:30-6:00pm. Alamin ang mga kaganapan sa ating bansa sa buong linggo at panoorin ang Aksyon Weekend News tuwing Sabado, 6:30pm. Ito ay naka-simulcast sa Aksyon TV Channel 41 at Radyo5.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-87TULFO, 0917-7WANTED, 0918-983T3T3 o 0949-4616064.
Shooting Range
Raffy Tulfo