NOONG NAKARAANG Huwebes, February 28, gumawa ng survey ang Wanted Sa Radyo sa mga listener at viewer nito – 92.3FM, Radyo5 at Aksyon TV Channel 41 – para sa mga kumakandidato sa pagkasenador sa darating na 2013 elections.
Simple ang ibinato naming katanungan sa nasabing survey. Kung ang eleksyon ay magaganap sa araw na iyon, sino ang iboboto nila sa mga kumakandidatong pagka-senador?
Sa simula pa lamang ng programa, ilang minuto pasado alas-dos, agad naming inanunsyo ang isinasagawa naming survey. Paulit-ulit ang aming ginawang pag-anunsyo hanggang sa matapos ang programa tatlong minuto bago mag-alas-kuwatro.
Walang nagkomisyon para sa nasabing survey. Ang mga lumahok sa survey ay ipinadala ang kanilang boto sa pamamagitan ng Radyo5 hotline sa 2929.
Narito ang naging resulta ng survey. Nakuha ni Gordon ang number 1 spot samantalang nag-number 2 si Escudero at napunta naman kay Hagedorn ang number 3 spot. Ang number 4 spot ay nakuha ni Villar at si Legarda naman ang kumuha sa number 5 spot, samantalang ang number 6 ay nakamit ni Poe.
Ang number 7 spot ay napunta kay Ejercito at kay Enrile naman ang number 8 spot, samantalang ang number 9 spot naman ay napunta kay Trillianes. Si Pimentel ang nakakuha ng number 10 spot at sinundan ito ni Zubiri sa number 11 spot. Ang huling spot na number 12 ay napunta kay Honasan.
Humahabol naman sa pang 13 spot si Cayetano at si Aquino na pang 14 spot, samantalang bumubuntot si Binay sa pang 15 spot.
Ang mga listener at viewer ng Wanted Sa Radyo ay mula sa lahat ng sektor ng lipunan – sila ay nabibilang sa tinatawag na A, B, C, D at E class. Pero mas nakararami ang nasa C, D at E.
Ang Radyo5 ay napakikinggan sa buong Metro Manila at sa mga karatig-probinsiya nito. Ang Wanted Sa Radyo ay naka-hook up din sa 101.9FM sa Davao at 101.9FM sa Cebu. Ito ay napakikinggan din sa 102.3FM sa Bacolod at 97.5FM sa General Santos.
Ang Aksyon TV Channel 41 naman ay isang free TV na napapanood sa buong Luzon – at sa iba’t ibang parte ng Pilipinas sa pamamagitan ng iba’t ibang cable companies na binibitbit ito. Pero sa Davao at Cebu ito ay may sariling free TV channel na parehong nasa 29.
Ang Wanted Sa Radyo ay consistent sa pagiging number 1 sa ratings sa isinasagawang survey ng iba’t ibang survey company para sa timeslot nito sa napakaraming taon nang nakararaan.
ANO ANG gagawin ninyo kapag nasuklian kayo nang sobra nang bumili kayo sa isang tindahan, at ang sobra ay P500? Isosoli mo ba o ibubulsa, at bahala na ang na-short na tindera na magdusa?
Ito ang ginawang eksperimento ng T3 Reload sa isang bakery shop sa Quezon City na ipalalabas mamayang 5:30pm sa TV5.
Sa nasabing eksperimento, nagplanta kami ng isang kasabwat na magpapanggap na tatanga-tangang tindera ng bakery na ‘di marunong magbilang at magsusukli ng P500 na sobra. Natiyempuhan namin na bumili nang magkahiwalay na isang kasambahay at isang amo.
Sino ang naging tapat sa kanilang dalawa, at sino ang hindi? Abangan.
ANG T3 Reload ay napanonood Lunes hanggang Biyernes sa TV5. Alamin ang mga kaganapan sa bansa sa buong linggo at panoorin ang Aksyon Weekend news tuwing Sabado, 6:30pm sa TV5.
Para sa inyong mga sumbong mag-text sa 0908-87TULFO, 0917-7WANTED at 0918-983T3T3.
Shooting Range
Raffy Tulfo