Aminado si Angel Locsin na wala sa comfort zone niya ang paggawa ng rom-com.
“Hindi ko talaga ito genre,” pag-amin ni Angel sa presscon ng “The Third Party”, ang first rom-com movie niya with Zanjoe Marudo and Sam Milby.
Mabuti na lang daw at she was guided by her director Jason Paul Laxamana.
“Lahat ho ay nakaalalay si Direk. Siya ho ‘yung nagga-guide sa amin. Nakatutuwa lang din, kasi ang dami kong natutunan sa paggawa ng pelikula na ito, na hindi ho siya usual na turo sa amin. Bago ang atake, the simpler the better, walang acting-acting, walang explanation, walang anything. Kung gusto mong magpakapangit, magpakapangit ka riyan, bahala ka riyan. So, very fresh ‘yung gusto ni Direk. ‘Yung mga kasama kong mga artista, napakagagaling din, napaka-professional,” say niya.
“At ang laking bagay ho ‘pag ‘yung director mo, alam ang gagawin. Si Direk Jason Paul ho kasi is very specific sa instructions na gusto niya. Sasabihin niya, gusto ko ganito ang mangyari, iiyak ka rito, tatawa ka rito, so alam mo na po kung ano ang ibibigay mo. Kapag hindi ka happy (ay puwede namang mag-take-uli). Makikinig si Direk. Hindi siya ‘yung tipo na ako ang director dito kaya ako ang masusunod. Hindi siya selfish. Pakikinggan ka niya kung may point ka. Explain mo lang nang maayos kung ano ang vision niya para maintindihan mo rin. Malaking bagay ‘yon para sa aming mga artista,” dagdag pa niya.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas