HINDI na dapat papatulan ng Kapamilya actress and real-life Darna na si Angel Locsin ang ‘body-shaming’ issue na kinasasangkutan ng Department of Education o DepEd ng Occidental Mindoro, pero naalarma at na-bother ito sa nilalaman ng dapat ay ‘apology letter’ nila.
Sa mismong social media accounts ng aktres ay binuhos niya ang kanyang saloobin:
“I don’t mind the insults. Cheap comments do not define who I am.
“I intended to ignore this issue, but when I read deped’s statement, aba teka lang.
“What bothers me most is apart from teaching incorrect grammar to the students, DepEd seems unaffected that the said teacher is teaching bad conduct and sowing discrimination among the children. Anong mangyayare sa future kung ang mga kabataan ay tinuturuan ng pambabastos at pangungutya sa kapwa?
“This is the more relevant issue deped, that you should be held accountable and must correct. Sa inyo naka salalay ang pag asa ng ating milyon milyong kabataan.”
Patuloy nito, “The said teacher should apologize to his students and all the students who read that module.
I am fortunate that I had teachers who value good manners and right conduct. Every child deserves teachers like them.”
Sa nasabing module na isinulat ng gurong si Keith Richard Firme ay nagbigay ito sitwasyon kung saan ginamit ang buong pangalan mismo ni Angel Locsin at tinawag itong ‘obese’ person. Pati ang pangalan ni Coco Martin at ang ini-endorsong fastfood chain ng dalawa ay nabanggit din at kung pagbabasehan ang sinulat sa module ay tila bina-body shame nito ang aktres.
Nag-viral ang nasabing parte ng module at nag-release kaagad ng statement ang Department of Education – Occidental Mindoro.
Nakakaalarma ang ganitong sitwasyon lalo na’t dapat ay ang mga guro mismo ang nagtuturo ng kabutihang asal sa mga mag-aaral. Hindi dapat sila ang nangunguna sa pagbubully ng ibang tao. Ganito na ba ang kalidad ng edukasyon natin dito sa Pilipinas?