PARANG PISTA last Monday ang mga kaganapan sa Comelec sa Intramuros dahil sa unang araw ng filing ng COC (Certificate of Candidacy) na magtatagal hanggang Biyernes, October 16. Kanya-kanyang gimmick ng mga kandidato, kanya-kanyang pakulo para agaw-eksena at mapansin ng mga media na nagko-cover ng mahalagang event.
Isa sa mga stand-out ang presence ng ang aktres na si Angel Locsin. Bukod kasi sa maganda, marami ang nagtataka kung bakit naroroon ang aktres at kasama ang Makabayan Coalition na sumusuporta sa kandidatura ni Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares who is running for a seat sa darating na May 2016 electionsw as a senator.
Sa mga hindi nakababatid, si Angel ay malapit na kamag-anak ni Rep. Neri (tiyuhin), kung saan ang kapatid ng aktres na si Angela ay isa sa mga staff ni Rep. Neri.
Dahil sa exposure ni Angel at sa giya na rin ng nakatatandang kapatid sa iba’t ibang isyung panlipunan, hindi maiiwasan na mamulat siya at maging involved sa kabi-kabilang mga issue na para sa aktres ay mahalaga.
Sa katunayan, bago pumutok ang istorya sa media a few months ago tungkol sa mga Lumad killings sa Mindanao, nagkaroon na ng exposure si Angel sa naturang tribal community na minsang nakasalamuha niya at nakaharap in person ang ilan sa mga napatay na mga pinuno ng komunidad (may isinulat kami kamakailan tungkol sa karanasan ng aktres dito).
Sa mga hindi nakaaalam, hindi man nagkakaroon ng showbiz publicities ang mga advocacy ng aktres, kaliwa’t kanan naman ang kanyang mga gawain at involvement sa mga issues and concerns na kanyang pinaniniwalan na mabibilang mo lang (kung meron man) mula sa kanyang hanay, and hopefully, maging ang boyfriend na si Luis Manzano ay mahikayat niya para makasama sa kanyang pinaniniwalaang simulain at gawain.
Sabi ng aktres nang mainterbyu siya ng media: “I am calling for the military pullout from Lumad ancestral lands.”
Dagdag pa ni Angel na the fact ang mga Lumad refugees ay tumatanggi na bumalik sa kanilang mga bahay ay dahil sa takot ang mga ito sa mga militar.
With Angel’s busy showbiz schedules lalo pa’t may pelikula siyang ginagawa with Vilma Santos para sa Star Cinema, nangako naman ang aktres ng kanyang suporta para kay Rep. Neri Colmenares.
Sa gawaing bayan ng aktres hopefully, marami rin sa mga taga-showbiz ang mahikayat ni Angel para makasama niya sa mga adbokasiya na nasimulan niya.
Mabuhay ka Angel Locsin! Goodluck Rep. Neri Colmenares!
Reyted K
By RK VillaCorta