EWAN KUNG MAY maglalakas ng loob na i-link si Zyrene Parsad kay Manny Paquiao, ang Viva artist na kakanta ng Pambansang Awit sa laban ng Honorable Congressman from Saranggani at ni Antonio Margarito.
Sabi kasi, personal choice daw ni Pacman si Zyrene. Sa isang event sa Saranggani raw sila nagkakilala ni Pacman dahil kumanta ito doon at presto, nagustuhan agad ng ating pambansang boxer si Zye at in-offer-an agad na kumanta ng ating National Anthem na laging nagiging controversial everytime na may nag-i-interpret nito sa kanyang laban.
Pero bago napag-uusapan kung paano niya kakantahin ang ating Pambansang Awit, e, very obvious na maganda, sexy at kabigha-bighani si Zye kaya hindi maiwasan na may mga nagdududa kung siya na nga ba ang bagong apple of the eye ni Pacman.
But huweeeyt! Nagkaroon din kasi kami ng konting research sa background ni Zyrene dahil ang kanyang boyfriend ay anak ng isang veteran politician from Mindoro na si Congressman Rodolfo Valencia or simply RGV to his friends.
Si Nico, na nasa kanyang mid-30s ang current flame ni Zye. At kung hindi nagkakamali ang aming kausap from the south, e, dalawang taon na silang mag-on ng anak ni RGV.
Kung ganu’n, ipipilit pa ba natin ang pagli-link kina Congressman Pacman at Zyrene?
Kahit boxing ang magiging laban at hindi basketball, ang masasabi lang namin, the ball is round at marami pang puwedeng mangyari, je, je, je!
MABUTI NA LANG at may Shaina Magdayao si John Lloyd Cruz dahil kung wala, baka magising at magwala ang manhood ni Lloydie at bigla na lang niyang sakmalin na ala-vampire si Angel Locsin dahil mahilig pala siyang amuyin nito kapag nasa set sila ng ABS-CBN’s top-rater, ang Imortal.
E, ipinagmalaki pa nga ni Angel na kahit na nakababad sa init ng araw si Lloydie, e, she couldn’t help but smell and enjoy the natural scent of Papa JLC dahil parang never daw itong bumabaho.
Ewan nga lang daw niya kung may iniinom na perfume itong si Papa JLC dahil sa kanyang angking kabanguhan, he, he, he!!!
Pero teka. Hindi naman kaya magselos si Luiz Manzano na ardent suitor ngayon ni Angel? Kunsabagay, siguradong nalanghap na rin ni Luis ang bango ni Papa JLC nu’ng ginawa nila noon ang pelikulang In My Life.
Sa true lang, sana magkaroon pa ng maraming ganitong klaseng programa na hindi na kailangan pang piliting i-link ang mga bida at gumimik para lang mag-rate nang mataas dahil sa ngayon, e, “immortal” talaga ang nakukuhang percentage rating ng Imortal, as in, parang walang kamatayan, je, je, je!!!
OUR LOCAL ENTERTAINMENT industry is so huge kaya naman lagi itong may puwang para sa mga bagong mukha na gustong sumubok sa glitz and glam na hatid ng showbiz kaya naman we should give Jim Acosta of Psalmtre a very warm applause dahil sa kanyang initiative na bumuo ng isang talent pool na tinawag niyang Creworks Asia.
And his first group of talents na kanyang aalagaan to become our future stars ay manggagaling sa Olive-C Campus Model Search 2010 kung saan gaganapin sa Skydome ang finals slated on October 28.
As of press time, 21 female at 17 male candidates ang nangangarap to become the pioneer talents of Creworks Asia, kung saan hahasain daw sila ng mga experts from the industry para puwede silang makipagsabayan sa mga home grown talents ng Dos at Siyete.
Our early bets include Jenny Cabel from TUP and Harald Petry from Rogationist College.
Kaya lang, true ba ang balita na originally ay 21 din ang male candidates pero dahil sa may naamoy daw silang “malansa” ay na-shortlist daw ito to 17… hmm?
For reaction, please e-mail: [email protected]
Sour-MINT
by Joey Sarmiento