MAGKASAMANG DADALO SA Emmy Awards sina Jericho Rosales at Carmen Soo.
Ayon kay Echo, super excited siya matapos ma-nominate ang Kahit Isang Saglit sa Emmys.
“Siyempre, ibang level itong nararamdaman ko dahil hindi biro ang maging nominated ka sa Emmys,” pahayag ni Echo na nagsabi ring zero ang kanyang lovelife. “Mas mabuti na ‘yung ganito na lang muna kasi parang mahirap pagsabayin ang lovelife at career. Pero hindi itinatanggi ng aktor na may isang non-showbiz girl ang malapit sa kanyang puso sa ngayon.
SAMANTALA, DOBLE RIN ang nararamdamang kaligayahan ni Angel Locsin matapos na ma-nominate bilang best actress para sa soap operang Lobo.
“Actually, blessing ito kay Angel dahil may mabuti siyang puso,” pahayag ng isang taong malapit sa dalaga na nagsabi ring darating ang aktres sa gabi ng parangal ng Emmys. “Noong malaman ni Angel na nominated siya as best actress, talagang hindi na siya nakatulog. Hindi niya kasi akalain na ganu’n kaganda ang magiging bunga ng kanilang pinaghirapan sa Lobo.”
May nagbulong naman sa amin na muli na raw ngayong naibabalik unti-unti ang pagmamahalan nina Luis Manzano at Angel, nagpalitan na raw ng text at tawag ang dalawa. “Actually, hindi naman ganu’n kalalim ang pinaghiwalayan nila kaya wala akong nakikitang masama kung magkabalikan sila, besides pareho naman silang in love ni Luis sa isa’t isa,” say ng aming source.
PINASINUNGALINGAN NI YAYO Aguila ang balitang two months na silang hiwalay ni William.
“Ewan ko ba kung saan nila napupulot ang balitang iyon dahil so far, araw-araw pa namang umuuwi ng bahay si William at magkasama pa rin kami sa bahay kaya hindi ko makita kung saan ‘yung katotohanan na hiwalay na kami. Nagtataka nga ako, kasi noon pa kami pinaghihiwalay ni Wiliam pero nakita naman ninyo hanggang ngayon ay okey pa rin ang aming pagsasama at masaya pa rin ang aming pamilya,” pahayag ni Yayo.
BY NOVEMBER PA magwawakas ang programang Rosalinda. Base na rin sa ilang executive ng Siyete, habang tumatagal daw ay lalong gumaganda ang rating ng nasabing programa nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Dapat ay October magwawakas ang nasabing soap opera pero dahil sa patuloy na tumataas ang rating ng nasabing programa kaya naantala ang pagtatapos ng nasabing show.
Sa kabilang banda, habang papaganda nang papaganda ang Rosalinda ay papangit naman ng papangit ang Darna ni Marian Rivera. Say ng isang insider ng Siyete, kung magpapatuloy ang pagbagsak ng rating ng nasabing show ni Marian ay hindi malayong tapusin agad ito ng channel 7.
SA KABILANG BANDA, mariing itinanggi ni KC Concepcion ang balitang mas gusto na lang niyang pagbuhusan ng panahon ang pagiging ambassadress niya ng World Food Program ng United Nations kesa sa kanyang Lovers in Paris with Piolo Pascual.
Ayon sa aming insider, totoong abalang-abala si KC sa kanyang pagiging ambassadress at kamakailan nga lang ay nagpunta ito sa Mindanao upang bisitahin ang maraming mga kabataang nagugutomn kaya nagbigay ito ng pagkain.
“My God, tapos na ang Lovers in Paris, kumbaga naikahon na iyan kaya paano nilang sasabihing tinatamad na si KC sa soap opera nila ni Pilolo? Nakakatawa naman ang balitang iyan,” say ng aming spy na bilib na bilib sa sinsiredad ni KC na tumupad sa kanyang tungkulin bilang ambassadress of World Food Program.
More Luck
by Morly Alinio