OLA CHIKKA to the maximum authority of chismax ng inyong Tita Swarding! Kasi nga naman, ayaw ko na sanang patulan ang chikkang ito. Kasi gasgas na at walang katapusang bintang na ‘pag nanalo ang isang artista sa ano mang award-giving bodies, kung hindi binili, dinaya na naman.
Iyong pagkapanalo ni Marian Rivera at Angel Locsin sa pagiging best actress ng dalawang award-giving bodies. Una ‘yung Golden Screen Awards for TV ng EnPress na tinalo ni Marian (Amaya) si Nora Aunor (Sa Ngalan ng Ina) for best actress. At itong nakaraang PMPC Star Awards for Movies na ang nanalo namang best actress ay si Angel Locsin (One More Try). Sabi nga, kinabog daw ni Angel sina Nora (Thy Womb) at Vilma Santos (The Healing).
Nabasa ko kasi sa isang tabloid na sigaw ng Noranians, ‘Angel binili lang ang awards’. At sa nakaraang Golden Screen Awards, nanggulo raw ang mga Noranians sa pagkapanalo ni Marian for best actress.
Magtatanong lang ako. In all fairness, ang dalawang nakaraang awards ay lahat samahan ng mga movie writer na matagal nang natsitsismis na talagang nabibili. Kasi maliban sa mga PRO sila ng mga network o ng mga artistang pinapanalo nila, nakarating din sa akin na talagang may bilihan daw riyan ng awards. Kung totoo man ito, bakit hindi nila imbestigahan o buwagin, at ‘wag nang patulan ang awards na ito?
Kasi sa totoo lang, napakaliit ng ating bansa pero ito ang may pinakamaraming award-giving bodies sa buong mundo. Na sabi nga nila, saan napupunta ang kinikita ng club nila, kung mayroon man? Ito ba ay para lang sa kanilang interes?
Kaso matay ko mang isipin, ang iba talaga riyan ay mga walang karapatang mag-judge or maging miyembro ng samahan. Alam ko ‘yan. Sa tagal ko na sa industry na aywan ko kung ano ang basehan kung bakit sila naging miyembro ng club na ‘yan.
Pero marami naman ang nagsasabi na pagbigyan naman ang mga new generation. Kaloka kayo! Sa America, walang ganito na pagbigyan. Habang tumatanda ang isang artista, lalo nilang pinagbubutihan ang kanilang acting. Look sa Oscar awards, may naririnig ba tayong ganyan na nabili ang award? Wala. Kasi talagang credible silang magbigay ng awards at hindi kung sinu-sino lang.
Sana matauhan na ang makabasa nito, maging kasamahan ko sa hanap-buhay at artista para walang agam-agam na ganito na ‘pag nanalo ang artistang ito, sabihing dinaya, nabili. Only in the Philippines, ‘di ba?
Pero bakit natin sisihin ang mga artistang binibigyan nila ng awards? May mga hurado naman ‘yan at ang alam ko, may screening committee naman ’yan, at pinagpapaguran naman nila ‘yan kung sino talaga, at may mga deliberation pa ‘yan sa pagpili. Nagkataon lang siguro na sa panlasa ng mga hurado, ‘yun talaga ang nanalo.
Kasi nga, sa dami ng award-giving bodies dito sa atin kaya sila nalilito na rin kung sino ba talaga. Kaya nakikiusap ako sa mga Noranians na tigilan na n’yo ang mga maling bintang n’yo sa kanila. Kayo lang naman ang tanging fans club na ayaw tumanggap ng pagkatalo. Tama na.
Kasi para sa akin, wala pa talagang makapapantay sa ginawa ni Nora sa industry. Para sa akin, siya lang ang nag-iisa. Ang mahalaga sa inyo, mga Noranians, kung mayron pa, ito ang dapat n’yong gawin. Tama na ang reklamo, nakasasawa na. Sa halip na magwawala kayo, bakit hindi n’yo bigyan ng tamang suporta si Nora?
Sabi nga nila, ito ang dapat nilang gawin na para hindi ma-pullout ang pelikula ni Nora. ‘Yan ang dapat nilang gawin, ibalik ang box-office queen ni Nora, manood kayo hindi ng awards. Kasi wala nang dapat pang patunayan si Nora. Nakamit na niyang lahat. Kaya bago kayo magreklamo, panoorin n’yo ang mga pelikula niya, para hindi siya matawag na pullout queen. Kaloka kayo!
SIYA NGA pala, ‘wag n’yong kaligtaang panoorin ako o pakinggan sa DZRH, RHTV every Saturday na po 12nn-1pm, kasama ko si Lady Camille at Lady Ivy. At siyempre sa DWSS, daily, 11:30am at ang programa ko sa London, every Saturday rin. Search lang po n’yo sa Skype: Pinoy Radio U.K. Simulcast po ‘yan sa Pinoy Radio Nordic at Pinoy Radio France. Ola chikka na, Tita Swarding! God bless!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding