TIYAK NA aabangan ng mga manonood, lalo na ng mga supporters ni Angel Locsin ang natatAngi n’yang pagganap sa Maalaala Mo Kaya (MMK).
Nitong Martes ng umaga, 9:30 am, lang natapos ang second taping ng aktres, kaya na-late ito sa kanyang regular taping day para sa Toda Max nu’ng araw na ‘yon, dahil sa sobrang pagod at puyat.
May sakit na Tubercolosis daw ang papel ni Angel sa MMK, kung saan makakapareha nito si Paulo Avelino bilang nurse.
Finally, nagkatambal din ang dalawa na dapat nga sana ay leading man ni Gel si Paulo sa bago nitong teleserye na pinalitan ni Jericho Rosales.
Dahil sa hectic ng schedule ni Angel gayon, marami tuloy ang nakami-miss sa kanya bilang special guest co-host sa It’s Showtime na ayon kay Anne Curtis ay magkasundong-magkasudo silang dalawa.
Kayang-kaya raw makipagsabayan ng aktres sa mga kalokahan nilang mga regular hosts ng nasabing noontime show.
Pero s’yempre, nasa tabi lang daw lagi ni Angel si Anne kung kinakailangan ng una na alalayan s’ya nito.
Incidentally, binansagang GranDiyosa si Anne sa launch ng kanyang pinakabagong endorsement na Wow Grand Videoke.
Although masaya rin ang aktres at TV host sa titulong Philippine Showbiz Sweetheart.
Pagdating daw sa videoke, lagi raw nilang kinakanta ng kanyang boyfriend na si Erwann Heussaff ang hit song ni Jason Mraz na I’m Yours na kanta nila para sa isa’t isa.
Ang Top 5 picks naman daw ni Anne sa videoke sessions nila nina Erwann at mga kaibigan nila ay ang I Will Always Love You ni Whitney Houston, Runaway ng The Corrs, Linger ng The Cranberries, Stay ni Lisa Loeb, at ang walang kamatayang Alone ng rock band na Heart na kinakanta n’ya kadalasan.
DAHIL SA kasikatan n’ya bilang artista, kaliwa’t kanan na ngayon ang mga product endorsements ni Richard Yap at patuloy na nadadagdagan pa.
Bukod d’yan, isang recording artist na rin ang pinakasikat na leading man on TV these days.
This time, pinasok na rin ni Ser Chief ng top-rating morning teleserye ng ABS-CBN na Be Careful with My Heart ang pagiging negosyante.
Part-owner si Richard ng Wangfu restaurant na matatagpuan sa second floor ng Tomas Morato Plaza building sa kanto ng Tomos Morato at Don A. Roces avenues sa Quezon City.
Ito kauna-unahang pagkakataon na sasabak ang aktor at singer sa isang restaurant business.
Kasosyo ni Richard sa Wangfu resto ang kanyang business manager na si Kate Valenzuela at mga kaibigan nilang sina Lester Pimentel at Ace Wang.
Ano pa kaya ang susunod na sorpresa ng nag-iisang Ser Chief ng buong Pilipinas sa atin, lalo na sa kanyang mga tagahanga?
BILIB NA bilib kami kay Coco Martin nang sabihin nito sa farewell presscon ng kanyang hit teleseryeng Juan dela Cruz kamakailan na hanggang ngayon daw ay nagpapasada pa rin ng jeep na pagmamay-ari nila ang kanyang dakilang ama na may ruta mula sa kanilang lugar sa Novaliches, Quezon City papunta sa Blumentritt sa Maynila.
Hindi raw kasi komo sikat at kumikita ang mahusay na aktor nang malaki ay kailangang magbago na rin ang antas ng kanilang pamumuhay. Ayaw raw n’ya iyong baguhin o i-level up.
Kaya sa pagtatapos ng kanyang serye sa Dos, balak lang daw magpahinga ni Coco sa bahay nila, kahit isang linggo lang.
Wala raw sa isip n’ya ang magbakasyon sa ibang lugar sa Pilipinas o lumabas ng bansa kasama ang kanyang pamilya.
Maligaya na raw si Coco na maka-bonding ang kanyang buong pamilya sa bahay lang nila.
Bukod sa isang jeep, nakapagpundar din daw s’ya ng tatlong pampasadang tricycle.
Parang isang compound daw ang ipinagawa n’yang tirahan nila para sama-sama pa rin silang magkakapatid at ng kanyang mga magulang.
Sana lahat ng mga artista ay kasing bait at simple lang ni Coco, at marunong magbahagi ng kanyang blessings sa kapwa niya at hindi nakalilimot sa mga nakatrabaho nu’ng hindi pa s’ya sobrang popular.
Franz 2 U
by Francis Simeon