KABABALIK LANG ni Angel Locsin at boyfriend nitong si Phil Younghusband mula sa bakasyon sa Japan nitong Lunes lang.
Hindi na nakarating ang aktres sa salubong ng birthday ng kanyang manager na si Tita Ethel Ramos last Wednesday, July 31, night sa Annabel’s Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, dahil nu’ng araw ring ‘yon ang lipad ng magkasintahan sa Japan.
In fairness, hindi naman daw nakalimutan ni Angel ang special day mismo ni Tita Ethel last August 1, dahil nagpadala raw ito ng mga bulaklak, kahit wala ito sa bansa.
Siyempre, hindi nawala sa okasyon ang long-time alaga ni Tita Ethel na si Aga Muhlach at asawa nitong si Charlene Gonzalez.
Dumalo rin, kahit saglit, si Sen. Bong Revilla at kapatid nitong si Andrea Bautista-Ynares na First Lady ng Antipolo City.
MALAKING BAGAY talaga at napapanahon ngayong tag-ulan ang pinakabagong instructional video on disaster preparedness titled Ligtas na pinrodyus ni Sen. Loren Legarda at dinirek ng internationally-acclaimed filmmaker na si Brillante Mendoza.
“Most natural hazards turn into disasters because of the lack of preparedness. This instructional video aims to inform everybody what to do before, during and after a natural hazard occurs,” paliwanag ng senadora.
Ikalawang beses na ito nina Sen. Legarda at Direk Mendoza na nagtutulungan para sa ganitong klase ng documentary na malaking tulong sa mga tao sa buong Pilipinas kung may bagyo, pagbaha, landslides, volcanic eruptions, paglindol at tsunamis.
Ang una nga ay ang sa Buhos na nagpapaliwanag ng tungkol sa ‘di na mapigilang climate change at ang mga epekto nito sa pang-araw-araw na buhay natin.
May ipinamahagi ring geo-hazard maps sa local government units nationwide si Sen. Legarda to inform communities and citizens on the natural dangers intheir areas and how to prepare during typhoons and other calamities.
Franz 2 U
by Francis Simeon