NAG-TAPING NA LAST Tuesday night si Angel Locsin para sa sitcom na pagbibidahan nila ni Robin Padilla, Pokwang at Vhong Navarro na To Da Max sa ABS-CBN.
Halatang masaya at inspired si Angel, dahil blooming na blooming pa rin ito at ang laki nang ipinayat.
At kahit maraming eksenang kinunan nu’ng gabing ‘yon, nakuha pang mag-entertain ng mga bisita ng aktres mula sa tinutulungan nitong Philippine Red Cross.
Sa pagkakaalam namin, nagbigay ng tulong-pinansyal si Angel sa nasabing organisasyon na tumutulong sa mga kababayan na-ting nangangailangan.
EXCITED NA ANG walong buwang buntis na si Andi Eigenmann sa kanyang panganganak anytime in November.
Habang nalalapit na nga raw ang pagsilang ng kanyang pa-nganay na anak na babae, lalo raw nadadagdagan ang kanyang excitement.
“Even when I feel that I have zero maternal instincts, I can’t wait to see her,” sagot ng 21-year-old actress nang ma-interview s’ya ni Tito Boy Abunda last Monday night para sa The Buzz episode this coming Sunday.
Si Andi ang unang naka-one-on-one interview ni Tito Boy sa unang gabi nito bilang showbiz segment host ng Bandila nu’ng Lunes rin ng gabi.
May naisip na raw na pangalan si Andi para sa kanyang baby girl, pero ayaw pa nitong ipaalam sa publiko. Ang alam namin, ang initials ng magiging pangalan ng anak n’ya ay A.G.
Ang kanyang ina at mahusay na aktres na si Jaclyn Jose raw ang nag-suggest sa kanya for some reason na idagdag ang second name na nagsisimula sa letter G.
Ang unang tao raw na pinagsabihan ni Andi tungkol sa kanyang pagbubuntis ay ang tatay ng kanyang magiging anak. “The father of my baby,” emosyonal na pagamin ng batang aktres. “I thought we would go through it together but I ended up going through it alone.”
Sa kanyang dating blog ay sinulat ni Andi na si Albie Casiño ang ama ng kanyang dinadala.
Abangan ang kabuuan ng eks-lusibong panayam ni Tito Boy kay Andi sa The Buzz sa darating na Linggo.
PARARANGALAN SINA FREDDIE Aguilar, APO Hiking Society, ASIN, Nora Aunor, Jose Mari Chan, Pilita Corrales, Juan Dela Cruz, at Hotdog sa kauna-unahang Dangal ng OPM (Origina Pilipino Music) Awards sa kanilang day-long free event to the general public na pinamagatang Ang Himig Natin Noon at Ngayon, OPM Fair 2011 sa October 11 sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.
“From over a hundred nominees all deserving of the award, we have trimmed down the list to honor those who have consistently promoted OPM for at least 25 years. This number is significant, because this year marks our organization’s silver anniversary,” pahayag ni Ogie Alcasid na presidente ng OPM at ngayon ay may perfume line for Bench na ang nakakatuwang pangalan ay OPM Gold or Platinum.
Magkakaroon ng CD launches at sale, videoke competition at duets with OPM singers, OPM-themed performances by choirs, marching at rock bands at rondallas, maging government agency booths offering public services, at evening gala concert with top OPM singers sa nasabing Fair.
Ang mga pangunahing katulong ng OPM sa event na ito ay sina Sen. Kiko Pangilinan, Quezon City Mayor Herbert Bautista at ang Armed Forces of the Philippines.
Franz 2 U
by Francis Simeon