NAPANOOD NA na namin ang restored version ng pelikulang T-Bird At Ako na pinagbibidahan ni Nora Aunor at sa UP Film Center nu’ng Feb. 25 and we would like to congratulate ABS-CBN sa effort nila na i-restore ang pelikula.
Ilang buwan itong pinagtiyagaan ng ABS-CBN para mapanood in high-definition o HD. Klap. Klap. Klap.
“Ang restoration campaign ay nakatuon sa mga direktor. Sa kaso ng 33-taong T-Bird At Ako, ito ay markadong obra ni Danny Zialcita lalo na sa pananalita ng mga artista. Ito rin ang huling pagtatambal nina Nora at Vilma at ang tema ay kontrobersyal lalo na noon,” paliwanag ni Leo Katigbak, head ng ABS-CBN Film Archives.
Ang kuwento ng T-Bird At Ako ay tungkol sa isang dancer (Vilma) na naakusahan ng homicide. Ipagtatanggol siya ng isang abogada (Nora) na susubukang panatilihing propesyunal ang kanilang ugnayan habang nilalabanan ang pagkalito sa kanyang sexual preference.
Si Portia Ilagan ang sumulat ng script ng T-Bird At Ako at ayon sa kanya, magkakaroon daw ito ng remake. Ang gusto niyang magbida sa bagong version ng pelikula ay sina Angel Locsin (dancer) at Bea Alonzo (lawyer).
Samantala, isa lamang ang naturang pelikula sa mahigit 75 titulo na matagumpay nang nai-restore ng ABS-CBN simula 2011. Ilan sa mga ito ay naipalabas na sa international film festivals, naipalabas sa bansa via red carpet premieres, naere sa free-to-air at cable television, natunghayan sa pay-per-view at video-on-demand, nabili sa DVD, at na-download maging sa iTunes.
La Boka
by Leo Bukas