SO NAPATUNAYAN nang peke ang photo scandal ni Angel Locsin kung saan kita ang kanang dibdib niya. Pinugutan lang ng ulo niya ang isa niyang picture na babagay sa katawan ng isang foreigner na babae.
Actually, hindi lang sa paggawa ng jokes. Maging sa pag-photoshop, mahusay ang Pinoy. Nakakalokah nga lang na may mga tao talagang tuwang-tuwang pinagpipistahan ang kagaguhan nila, kaya nag-iisip pa sila ng mga paraan kung paano mapapansin uli ang gawa nilang kalokohan.
Laging tatandaan: “Karma is just around the corner”.
‘ETO ANG ayaw kong feeling. ‘Yung ‘pag naumpisahan ang isang pinanonood na teleserye ay naaadik ka na. Kaya ang tendency, umuwi ka nang maaga o maghagilap ka ng telebisyon para kasabay mo ang karamihan sa panonood ng teleseryeng itatago natin sa pangalang Got To Believe.
Isang cool na teleseryeng gawa ng master of pakilig na si Direk Cathy Garcia-Molina na siya ring promotor kumbakit box-office hit ang mga John Lloyd Cruz-Sarah Geromino movies, alam n’yo ‘yan.
Para rin itong Be Careful With My Heart na ‘yung may gusto ang isa, pero deadma naman si lalake. Kaya, sana lang, ‘wag munang magkainlaban sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para patuloy ang kilig ng mga fans sa kanila.
Sa tuwing itinu-tweet nga namin ang panonood namin ng mga anak ko ng Got To Believe ay grabe ring retweets at favorites ang nakukuha namin. Umaabot kami ng 300 retweets at 250 favorites. Sabihin n’yo nang ang OA, pero gano’n nga ka-OA ang mga fans na nagmamahal sa tambalang KathNiel.
Kami naman ay naniniwala ring sakto at swak lang din sa dalawa ang materyal, kaya hindi rin sila nakasasawang panoorin. ‘Yun naman ‘yon, in fairness.
SA WAKAS, magte-taping na ang noon pa’y ilang beses nang naudlot na teleseryeng Mirabela na siyang launching teleserye ni Julia Barretto, kasama sina John Lapus, Mareng Pokwang, Arlene Muhlach, Aiza Seguerra at ang alaga naming si Lisa Soberano.
Nag-scriptreading na sila para aralin ang kanilang character, kaya sa matagal na preparasyon ng naturang serye ay pihadong magandang lalabas ito.
Si Lisa ang excited na rin at hindi rin naman siya nagdalawang-isip na gumanap bilang kontrabida ni Julia. Sabi nga namin sa kanya, “Aba, si Julia Montes, kontrabida noon kay Kathryn sa Mara Clara, tapos, in fairness to Julia, nagli-leading lady na ngayon, ‘di ba?”
Haping-happy rin si Lisa, dahil ilang product endorsements na mukhang magkakasarahan na (‘wag lang maudlot) at inumpisahan na nga ito ng kanyang pagiging endorser ng Kashieca kasama si Bea Alonzo.
‘Andami na ring nagte-text sa amin na gandang-ganda sila kay Lisa ‘pag nakikita ang billboard niya sa EDSA na nasa pagitan ng Guadalupe at Buendia patungong Magallanes.
Basta ang lagi naming pangaral sa kanya ay laging pasalamatan ang mga taong tumutulong sa kanya para hindi siya kasawaang tulungan at iangat, tulad na lamang ng gumagawa ng kanyang hairdo, nagdadamit sa kanya, nagsasapatos sa kanya.
Dahil sabi nga ng isang manager sa amin, “Suwerte ng alaga mo, dahil nag-aagawan ang gusto siyang bihisan at ayusan ng buhok at make-up. Samantalang ‘yung iba, nagbabayad pa talaga para ayusan lang sila!”
“Ay, opo, tito. Ako nga po ang nahihiya sa kanila. Kaya sana po, yumaman tayo para mai-treat ko naman sila. Hahaha!”
‘Yun na!
Oh My G!
by Ogie Diaz