GRABE, NGARAGAN ANG last taping day ng Only You nina Angel Locsin, Sam Milby, Diether Ocampo at direk Rory Quintos.. Halos walang itinulog (4 days straight) ang buong cast, crew at production staff pero masaya pa rin silang nagtatrabaho, hindi alintana ang puyat at pagod.
Bilib kami kay Angel, napaka-hyper nang araw na ‘yun, always on the go! “Kapag masaya ka sa ginagawa mo hindi ka nakakaramdam ng pagod. Iba kasi ‘yung bonding namin dito para kayong isang pamilya. Nagbibiruan, nagtatawanan, may nagjo-jokes, may kakanta, sasayaw, aasarin ang isa’t isa ‘yun, masaya talaga,” bungad niya.
After nitong soap, fly si Angel sa Korea for a commitment. “May shoot (commercial) lang akong gagawin du’n, autumn kasi ngayon. Actually, renewal siya, happy na rin ako. After nu’n, may Florida US kami ni Diet, pasasalamat sa suporta na ibinigay sa soap namin. Hindi yata makakasama si Sam dahil wedding ng sister niya sa Hawaii. Hindi ko pa alam kung babalik uli ako sa Korea may invitation kasi ako du’n . Pagbalik ko, shoot na kami ng pelikula ni Aga (Muhlach) for Star Cinema.”
Maugong ang balitang may project kayo together ni John Lloyd, how true ? “May napag-uusapan, sana nga matuloy. Ako, nag-aantay lang naman, may nagsasabing baka next year ‘yung sa amin ni Loydie, love story. Workshop muna ako siguro baka hindi ako makaarte, manonood na lang ako sa kanya. I’m looking forward na makatrabaho si Loydie. Sa mga naririnig ko, masaya siyang katrabaho, marami akong matututunan sa kanya. Lahat naman ng istorya umiikot sa love kahit fantasy pa siya. Hindi naman mawawala ‘yung love story pero siyempre mahilig ako sa action. Sana something na kakaiba naman, gusto ko ‘yung project ko iba-iba,”wika ni Angel.
Puro presidential candidates ba ‘yung nagsilapit kay Angel for endorsement? “Hindi naman, may congressman, may mayor, may mga senators. Kailangan pag-isipang mabuti kasi, pangalan ko ang nakataya dito. Ako ‘yung masisisi, magi-guilty ako, tapos nag-martial law, oh no! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hindi mo alam kung ano ‘yung plataporma nila, ano ‘yung balak nila sa bansa natin, ‘di ba? Sa akin kasi, hindi na importante kung matalino, magaling basta sincere ka lang, honest ka lang. Mas siguro makukuha mo ang loob ng masa, mas kailangan natin ‘yung hindi masyadong sinungaling sa gobyerno ngayon. Kaibigan ko ang mga anak ni Sen. Villar, mababait sila pero siyempre pag-iisipan mo pa rin mabuti,” pahayag niya.
Maasahan kaya nina Governor Vilma Santos at Ralph Recto ang support ni Angel for next year election? “Hindi ko alam kung kailangan nila ang suporta ko. Marami namang naka-support kay Gov. Vi, hindi porke si Luis…, nakita ko sa kanila sobrang mabubuti silang tao. ‘Yun ang masasabi ko, okey talaga sila as family. Minsan nga tumambay ako sa kusina, nakausap ko ‘yung 15 years nang nagtatrabaho sa kanila. Nagkaanak na, nagka-apo na du’n, tapos ‘yung mga anak pinag-aaral nila, wala silang masabing masama,” pagmamalaking turan niya.
May plano bang pumasok sa pulitika si Luis ? “Parang may balak siya pero pinag-iisipan pa rin. He’s very smart at nasa posisyon naman siya para maimpluwensiya ng ibang tao. I think, sinusundan lang niya ‘yung mabuting halimbawa ng mom niya. Ako, mas gusto ko low profile pero kung ‘yun ang calling niya, why not!” Say pa ni Angel.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield