WALANG balak ang Kapamilya actress na si Angel Locsin na pasukin ang pulitika.
Ito ang kanyang iginiit sa gitna ng mga nag-aakalang kaya siya madalas tumulong tuwing sumusuong sa kalamidad ang bansa ay dahil meron siyang political ambition.
“Public servant naman po kami bilang mga artista, eh. I think ‘yung buhay naman namin is very public. Lahat naman ‘to ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin, kung ‘di gusto namin magbigay ng entertainment sa mga tao.
“Pero, politics? Hindi talaga. Sobrang hindi. Wala sa utak ko ‘yun,” katwiran ng aktres.
Matatandaang isa si Angel sa kaagad na umaksyon para matulungan ang mga frontliners at health workers na humaharap sa COVID-19 crisis. Angel successfully set up 246 tents for 135 hospitals nationwide at nakakolekta ng donasyong umabot sa P11M mula sa kanyang #UnitentWeStandPH initiative.
“In the beginning our only dream was to provide tents to hospitals for patients, for our frontliners, to address the challenge in overcrowding, and to help lessen the increase of spreading the virus in hospitals, but because you were all so generous and kind, we received from you donations of food, PPEs, aircon and many others kaya naman po dahil sa inyo we were able to give out not only tents but also PPEs and other supplies, post ni Angel sa Instagram account niya noong April 24.
“We would like to express our heartfelt gratitude to our sponsors, tent suppliers, YOU who have shared a part of your hearts through our campaign. You have reached out your helping hands even while you are home and did not only give but sent out love and prayers to those who needed your help. Maraming Salamat po sa lahat ng inyong kabutihan.
“Sa bawat ospital na naabot at natulungan po ninyo, taos puso po ang aming pasasalamat.
“Anumang pagsubok ay ating kakayanin basta’t tulong-tulong po tayo at nagkakaisa.
“TEAM #UniTENTweStandPH now signing off. May the Lord continue to use all of us to be instruments of God’s love and grace. And to all our frontliners, Isang malaking pagsaludo po sa inyo mula sa amin!” huling post niya about her COVID-19 charity works.
Samantala, nagbigay din ng pahayag si Angel sa posibilidad na baka ma-postponed ang kanilang kasal ng fiancé na si Neil Arce na naka-schedule next year (2021) dahil sa lockdown.
“Ayaw naming isipin na postponed, di ba, kasi iyon yung pinakaimportanteng araw sa amin. Nagpahinga nga kami sa mga trabaho namin sana para matutukan namin yung wedding,” lahad ni Angel.
Dagdag niya, “Kaya lang, pag lockdown pa, hindi naman namin puwede i-risk, di ba? Hindi namin alam kung ano ang mangyayari.”
Naging engaged sina Angel at Neil noong June 2019. Bago mangyari ang COVID-19 pandemic ay marami nang preparasyong ginawa ang couple kasama ang kanilang wedding planner.