ENGAGED NA ang Kapamilya actress na si Angel Locsin sa boyfriend niyang movie producer na si Neil Arce.
Ito ay kinumpirma mismo ng The General’s Daughter lead star sa kanyang Instagram account na @therealangellocsin.
“We’re engaged,” post pa ni Angel.
Ini-annunce ng couple sa social media ang kanilang engagement nitong Sabado, June 29.
Bago ang kanilang announcement ay nag-post muna si Neil sa IG niya na may hawak na singsing. Sa caption nito ay may nakalagay na, “Excuse me miss… I have a question.”
Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng fans at showbiz personalities nang malamang engaged na sina Neil at Angel.
Sabi ni Dimples Romana na bestfriend ni Angel, “Ayan na.”
“Congrats guys!” naman ang message ni Sarah Lahbati commented.
Samantala, wala pang ibinigay na detalye ang dalawa kung kailan nila planong magpakasal.
La Boka
by Leo Bukas