SALUDO AKO sa tapang ni Angel Locsin. Bilib ako sa klase ng advocacy niya na kung ano ang tama, wasto at pinaniniwalaan niya na kahit babae siya, at least si Angel may “balls” na itawid sa publiko ang kanyang opinyon kahit marami ang hindi sang-ayon sa kanyang paniniwala at paninindigan.
Kung ano ang paniniwala niya, pinangangatawan niya. Kaya hindi mo masisisi kung sa kanyang social media account ay ipinakita niya sa mga netizens ang kanyang paniwala sa isyu para makakuha ng pambabatikos mula sa mga bashers niya.
Mainit ang usapin sa buong mundo ngayon sa pag-apruba sa Amerika ng same sex marriage na matagal nang ipinaglalaban ng LGBT community.
Ayon sa aktres, naniniwala siya sa karapatan ng LGBT (lesbians, gays, bisexuals, transgender) na ipaglaban ang kanilang karapatan, partikular na sa usaping same-sex marriage.
May posting kasi sa kanyang Istagram account tungkol sa isinulat ng isang Jesuit priest (na isa sa pinaka-liberal order ng Simbahang Katoliko). Ayon kay Fr. James Martin, Jr. naniniwala siya na ang Catholic Church ay dapat maging open ended sa pagpapalagay ng tamang teaching ng Simbahang Katoliko. Ayon sa pari, “We should treat our LGBT brothers and sisters with ‘respect, sensitivity, and compassion.” Na sinang-ayunan ng aktres at nirepost sa kanyang IG.
Hindi nagustuhan ni Angel ang komentaryo ng karamihan sa stand niya sa isyu na ayon sa ilang mga bashers niya ay “act of immorality” at hindi wasto ang turo based sa Biblical law ang concept ng same sex marriage.
Ayon sa aktres, na marami ring LGBT friends lalo pa’t nasa showbiz siya at almost 75% of the people in the movie & entertainment industry ay mga LGBT, hindi aprub sa aktres ang panghuhusga nila sa LGBT community.
Paniwala ni Angel, “Kung magiging insensitive, rude, and self-righteous ho tayo, ‘wag na ho nating idamay ang Diyos. That’s very ungodly and a huge turn off. The statement says we should show respect, sensitivity, & compassion to one another at naniniwala ho akong ‘yan ang gusto ng Diyos. ‘Yan ang tama.”
Dagdag niya sa kanyang IG, “Hindi naman ho tayo Diyos para mang-husga.”
Ayon sa aktres, walang mention about same sex marriage, “I’m not going to deny my LGBT friends the ‘protection’ that ‘straight’ people get kapag kasal. Think of insurances, healthcare, kahit bantay sa ICU, etc & not just sexual acts.
“Tama naman ho na may pinaniniwalaan kayo, pero careful lang sa kung paano sabihin. I have LGBT friends na sobrang bait, at ako ho ang nababastos para sa kanila,” paliwanag niya.
Kaya si Angel, love na love ng mga LGBT friends niya because of this. At least, si Angel hindi ipokrito.
Tulad sa paniniwala ko, ang same sex marriage na inaprubahan sa Amerika ay hindi isyung simbahan or relihiyon kung ito ang ikinatatakot ng mga banal-banalan. Kung ayaw ng Simbahang Katoliko na ikasal ang dalawang nagmamahalan , deadma.
Ang Simbahang Katoliko lang naman ang ipokrito at may pasimuno ng “hatred” campaign sa LGBT community na nananahimik na kahit walang kasal sa simbahan ay oks lang at mabubuhay nang matiwasay.
Sa mga waley lohika, isyu ito ng legalidad at hindi ang pagiging banal-banalan kung ayaw nila sa LGBT. Who cares kung ayaw nilang basbasan ang pagmamahalan ng dalawang lalaki o dalawang babae? Hindi hihinto ang mundo at titigil sa pagdighay ang mga tomboy at bakla porke’t walang basbas ng Simbahang Katoliko.
Iba nga naman ang utak ng mga “banal na aso at santong kabayo”. Kung ayaw ng simbahan ng salitang marriage, e ‘di tawaging “civil union” para tapos ang usapan. Sa inyo na ang paniniwala ninyo. Tutal, ang dami kong mg kaibigang pari na mas bakla pa sa akin at nag-e-exploit ng mga minor and into same sex act.
Tutal, ipokrito naman ang Simbahang Katoliko, ever since. Ang mahalaga, respeto. Ang importante, mahal mo ang kapwa mo at wala kang tinatapakan o atraso, at nag-iisip na manloko!
Reyted K
By RK VillaCorta