GINAMIT ng aktres na si Angel Locsin ang kanyang Facebook account para direktang linawin ang isyu na miyembro siya ng New People’s Army (NPA). Iginiit din niya na hindi sila miyembro ng kapatid niya at si Neri Colmenares ng kahit anong terrorist group
“To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group. Neither my sister nor my kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group,” simulang bahagi ng kanyang post.
Patuloy ni Angel, “We live in a country where our freedom to speak and express ourselves are enshrined and protected by the Constitution. May paniniwala ako, may paniniwala ka. At sa ilalim Ng Consitution, pareho tayong mayroon karapatan sa ating nga sariling paniniwala. Kung mag kaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i-red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako “red”. Magkaiba lang tayo ng paniniwala.
“Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito. Tigilan na po ang red tagging. The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger.
“Nakakalungkot po isipin na dito napupunta ang malaking halaga na 19.3B, sa mga paratang na walang basehan at pananakot na red tagging. Sana ibigay na lang po sa ibang departamento ng AFP katulad ng medical reserve corps o pagtaas ng sweldo at pension ng mga sundalo natin.
“Malaking tulong rin po for purchasing vaccines or other covid response programs. Many of our country men need financial assistance. Mga OFW na nawalan ng trabaho. Madaming mas nangangailangan ng pera ngayon. Sana doon na lang ilaan at sana doon ibuhos ang oras.
“I am also appealing to everyone to express support for those being red-tagged like Liza Soberano, Catriona Grey, and all the others just because they are expressing their beliefs peacefully
“By being vocal about my opinions and advocacies, I have always been attacked. Those I could ignore but this is a different level altogether. And so I have to speak up once again because this baseless and reckless red-tagging jeopardizes not only my safety, but also the safety of my sister and our family,” kabuuan ng kanyang pahayag na nilagyan din niya ng #NoToRedTagging at #YesToRedLipstick