Angel Locsin, humingi ng dispensa sa kaguluhang nangyari sa community pantry niya

MAGANDA ang intensyon ng real-life Darna na si Angel Locsin para sa kanyang 36th birthday celebration. Ang orihinal na plano ay magbubukas ito ng three-day community pantry bilang paraan na rin ng tulong sa mga taong mas nangangailangan.

Dinumog ng mga kababayan nating kapos at nangangailangan ang community pantry ni Angel Locsin na naging sanhi ng gulo at pagkamatay ng isang senior citizen na maaga pa lang ay nakapila na.

Sa isang Instagram video update ay nagbigay ng opisyal na pahayag at paghingi ng tawad si Angel Locsin.

Paliwanag ni Angel, “‘Di lang po talaga nila makontrol yung mga tao. Hindi po ito ang gusto ko. Nagsimula po kami na maayos po ang aming layunin pati ang amin pong pagpaplano ng social distancing. Nagkataon lang po talaga na siguro gutom lang po talaga yung tao na kahit wala po sa pila sumingit na po sila,”

“Sa lahat po ng naabala ngayon, pasensya na po. Hindi po ito talaga yung intensyon natin. Kahit anong paghahanda naman po natin para ma-avoid yung mga ganitong gulo, hindi lang po talaga siya ma-control.”

Humingi rin ng sorry si Angel sa mga residenteng hindi nakakuha ng tulong dahil na rin sa nangyaring kaguluhan.

“Gustuhin ko man pong mag-abot, I don’t think papayagan pa po ako ulit na gawin ‘to. Baka po ipahatid na lang namin ‘to kung ano man po ang matitirang goods natin sa area para mapakinabangan ng iba. Pasensya na po,”

“Gusto ko lang po talagang i-celebrate ang birthday ko sana na makatulong ako sa ibang tao. Hindi ko po intensyon na makagulo,” dagdag pa niya.

Nagbigay naman ng pahayag ang QC Mayor na si Joy Belmonte sa nangyari sa senior citizen na pumanaw habang nakapila.

“We are deeply saddened by the untimely death of Mr. Rolando dela Cruz, 67 years old, who perished during a community pantry organized by actress and philanthropist Angel Locsin. The city government will shoulder the burial expenses of Mr. dela Cruz, and will extend financial assistance to his family.”

Ipinaalala rin ng Mayora ng Kyusi na dapat ay may coordination ang ganitong klaseng initiatives.

“It should coordinate all efforts with the barangay, and if necessary, with the LGU. The barangay and local government are here to assist with crowd control and health protocols, to ensure that untoward incidents are minimized.”

Aniya, advanced coordination will “allow all stakeholders to be proactive, rather than reactive. Sadly, in this case, we were not advised regarding any plans, which would have surely made a difference in the outcome of today’s events. My dear QCitizens, let us continue to be kind and compassionate, but practice foresight while doing both.”

Previous articleThings You Didn’t Know About ASTRO
Next articleDerek Ramsay, ibinulgar na sa telepono lang niya hiniwalayan si Andrea Torres

No posts to display