HINDI nakatiis si Angel Locsin na ipagtanggol si Megastar Sharon Cuneta sa pamba-bash ng netizen dito nawala itong ginagawa para tumulong sa mga kababayang biktima ng COVID-10 pandemic crisis.
Nagsimula ang lahat nang i-repost ni Sharon sa kanyang Instagram account ang video ni Angel na pinapasalamatan ang mga nag-donate sa kanyang #UniteTENTweStandPH project para sa mga health workers.
“Thanks so much dearest Angel. And may God our Father keep you safe and healthy as you continue your mission to provide comfort to our frontliners who put their lives on the line for us every single day. Love you,” post ni Sharon.
Inakala ng basher ni Sharon na wala itong ginagawa para makatulong except sa pagbibigay niya ng pampiyansa sa mga rallyista ng Sitio San Roque, Bgy. Bagong Pag-Asa (na nag-rally sa EDSA noong April 1) para makalaya sa pagkakakulong.
Dahil sa pangmamaliit ng basher kay Sharon ay hindi na napigilan pa ni Angel ang magsalita at ipagtanggol si Megastar.
Ini-reveal ni Angel na nag-donate si Sharon ng malaking halaga — P3 milyon — para sa relief operation na kanyang isinasagawa.
Pagbubunyang ni Angel: “BTW, Ms. Sharon donated a whopping 3 MILLION PESOS para makatulong kahit paano sa overcrowded hospital situation ngayon.
“Binigay nya ito ng KUSA at AYAW IPAALAM. Pasensya na po Ms. Sharon at nasabi ko, ha? Just wanted to share my experience sayo kung gaano ka ka-charitable.”
Nagbigay din ng mensahe si Sharon sa kanyang basher at sinabing, “Ni hindi mo alam kung ANO ANG TINULONG KO KAY ANGEL. Lahat ng tumutulong dapat pasalamatan kahit ipuwera mo na ako.”
“Kakapalan yan. Si Angel nagpapasalamat ikaw parang walang ibang tao sa mundo. Magtayo ka ng tent nang may saysay ang buhay mo.”
Pinuri rin ng Megastar si Angel sa dedikasyong ipinapakita nito sa pagtulong sa mga frontliners ng bansa na sumasabak sa COVID-19 crisis.
“And saludo ako sa yo sa walang hanggan mo at walang kapagurang pagtulong sa kapwa natin. Ang hirap din tumulong. Kahit galing sa puso mo, may kokontra pa rin. Pero sabi ng Diyos ‘Do not tire of doing good…’
“Sana magkaisa talaga ngayon. God is teaching all of us lessons through this pandemic. Maybe one of them is to be kind to one another and to help in every little way we can even though no one is praised,” deklara ni Sharon.