MAGSASAMA SA isang higanteng pelikula ang lima sa mga hottest at biggest stars ngayon ng bansa – sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Shaina Magdayao, Toni Gonzaga at Enchong Dee. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakatrabaho sila sa isang pelikula although they often see each other in ABS-CBN. Samahan pa ng isang Direk Cathy Garcia-Molina ang family comedy drama film na ito, kaya ngayon pa lang ay natitiyak ko nang papatok ito nang husto sa takilya.
“Na-excite talaga ako [nang] sobra kasi bihira lang talaga na magkasama-sama [kami]. Kami ni Shaina noon sa Lobo, pero hindi pa talaga iyong work na masasabi mong nakapag-bond kayo nang maayos,” kuwento ni Angel sa The Buzz during their story conference.
Dagdag ni Bea, “First time kong gagawa ng comedy na may pamilya. The last movie I did na may pamilya was Sa ‘Yo Lamang na medyo mabigat.”
“Magkakakilala kami but this [is] actually the first time na nag-sit down at nagkausap kami nang ganito,” sabi ni Toni.
In the movie, the four actresses will play sisters. Ngayon pa lang ay may mga nagtatanong na baka magkaroon ng isyu ng sapawan sa pelikula. Direk Cathy set the record straight. Kilala raw niya ang mga lead star. “No one will do that intentionally. Ang iisipin ko iyong kuwento. Sa magkakapatid wala namang bida. Ang magkaka-patid [ay] pantay-pantay. So, bakit at paano naman magkakaroon ng hindi bida? Family ang bida.”
Hindi pinakawalan ng The Buzz ang pagkakataong matanong ang mga lead star tungkol sa mga kontrobersiyang idinidikit sa kanila ngayon. Bea allegedly bought a house with Zanjoe Marudo. Todo-tanggi ang aktres sa isyu. Ang totoo raw ay nagpagawa siya ng bahay niya samantalang si Zanjoe naman ay may biniling sariling lupa.
Nilinaw naman ni Enchong why he decided not to attend Julia’s debut party. “I was invited. Na-receive ko iyong invitation pero I personally declined. Sinabi kong I can’t make it. Sinabi ko rin na it’s her night, dapat naka-focus sa kanya. I wanted it to be her night.”
Shaina is now being linked with Piolo Pascual but she said he is just a friend. “Parang pangit naman na pangunahan or bigyan ng malisya iyong friendship na ino-offer niya sa akin. Natutuwa lang ako na ina-appreciate niya ako.”
Angel previously guested on The Buzz. Sinabi niya na hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang itinanghal na Best Actress sa Star Awards. Nagpapasalamat siya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng magandang materyal para sa isang pelikula. Angel admitted that she has insecurities but she uses it to strive better in her craft.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda