Maganda ang peg ng pelikulang “The Third Party” ng Star Cinema na mapanonood na sa darating na Wednesday, October 12, sa mga sinehan nationwide.
Tungkol ito sa isang relasyon ng lalaki at babae (sina Max at Andi) na ginagampanan nina Sam Milby at Angel Locsin na after years na magkarelasyon ay nagkahiwalay (nag-decide si Andi na humiwalay na at ‘di niya keri ang long distance love affair, dahil pumunta sa Amerika si Max). Sa pagbabalik ni Max ng Pilipinas, nag-iba ang binata.
Nang magkita sila ni Andi, may ipinakilala na si Max na “love” niya sa katauhan ni Christian na role naman na ginagampanan ni Zanjoe Marudo. In short, sina Max at Christian ay nasa isang beki love o beki-rom (gay romance). Sila ang magka-bromance.
Sa totoo lang, happy kami bilang isa sa mga naniniwala sa beki love at beki relationship, dahil ang ganitong mga klase ng pelikula, matapang na sinugalan ng Star Cinema na kadalasan ay hindi ganu’n kainit ang pagtanggap ng publiko na mapanood nila na ang dalawang lalaki ay p’wede palang magmahalan. Matapang ang Star Cinema na talakayin ang isyu ng bromance at beki romance, kasama na rin ang isyu ng ex-girlfriend na pakiwari niya ay siya ang paningit sa confusing identity ng ex-boyfie niya.
Malakas ang loob ng Star Cinema na gawin ang ganu’ng klase ng istorya. Hindi naman nila forte at mas kilala ang film outfit sa mga seryosong pelikula, drama, at tradisyonal na romance film or rom-com para sa mas bagets market.
In short, ang pelikula ay tumatalakay sa pagmamahal at pagmamahalan ng dalawang lalaki (Sam at Zanjoe) na para sa amin ay positibong imahe para sa mga kafatid na bekis at sa LGBT community, na hindi isang karikatura ang ipino-portray nila na ang mga bakla (o lesbiana) ay landi at panghahagip ng lalaki lang ang alam gawin.
Sa pelikula, mag-boyfriend sina Sam at Zanjoe na mga bading ang karakter na maging si Angel ay happy sa desisyon ng Star Cinema na gawin ang project.
It’s a breakthrough dahil not all film outfit kayang sugalan ang ganitong tema or kuweto.
Sa mga kapatid sa LGBT community, suportahan natin ang pelikula. Atin ang pelikulang ito na tatalakay sa imahe natin na bading tayo, pero may puso tayo. Beki tayo, pero nagmamahal tayo. LGBT tayo, pero marunong tayong magmahal at magbigay-importasya sa mga taong mahal natin.
Hindi tayo karikatura na ang tingin ng nakarararami ay rampa, awra, at paglalandi lang ang alam para maka-getz ng mhen.
Reyted K
By RK VillaCorta