MAAARING ITANGGI ng Star Cinema ang paksa ng aming kolum, pero isinusumpa ng ilang tauhan sa One More Try — its entry to last year’s Metro Manila Film Festival — na may issue sa pagitan ng mga bida ritong sina Angel Locsin at Angelica Panganiban.
We did not see the movie ourselves, base ang mga mababasa n’yong detalye sa kuwento ng aming source who maintains connections with people from ABS-CBN’s film arm.
May eksena sa nasabing pelikula na kinunan sa Il Terrazo along Tomas Morato St. in Quezon City. Batay sa script, sasaktan ni Angelica si Angel, sabay tulak. Klaro ang blocking at dialogue ng dalawa.
Simula nang take. Ayaw paawat si Angelica sa kanyang pananakit sa kanyang eksena. Sa tagpong sinasabunutan ni Angelica si Angel ay ayaw bitiwan ng huli ang nakasabunot na kamay sa kanyang buhok. Clearly, Angel did not follow the director’s instructions.
Nahalata agad ni Angelica ang pagmamaasim ni Angel, kaya nagdayalog ito ng, “Utang na loob, bitawan mo na ang kamay ko para maitulak na kita at nang hindi na i-take 2 ‘tong scene na ‘to!” Sumigaw ng “Cut! Ang director, obviously upset over the outcome of the take.
Nag-take 2 ang eksenang ‘yon, pero sa pagkakataong ‘yon ay hindi na kasali si Angelica who was made to pack her things. Nag-request si Angel ng double para ulitin uli ang tagpong ‘yon.
Hati ang obserbasyon ng mga nakapanood ng pelikula. Ilan sa kanila ay hindi napansing hindi na pala si Angelica ang kakumprontasyon ni Angel. But for the more discerning viewers, nahalata nilang double na lang ang kaeksena ni Angel.
Ayon sa mga review, mas lumutang daw ang acting ni Angelica than Angel’s sa pangkalahatan. A reporter twitted the same observation, at nang mabasa raw ni Angel ay nag-text ito sa sumulat. Nasaktan daw siya sa mga salitang ‘yon.
HINDI PA ‘yon ang pagpapatunay ng “pagmamaasim” ni Angel sa One More Try.
May isang eksena na kinunan sa Baguio, love scene nila ‘yon ni Dingdong Dantes (o Zanjoe Marudo? Again,our apologies, hindi namin napanood ang pelikula). Alas otso ng gabi dapat kukunan ang naturang tagpo.
Apparently ill at ease, ipinatawag daw ni Angel ang scriptwriter, she wanted revisions in the lines. Maging ang director ay kasali na rin sa brainstorming session para ibigay ang kapritso ni Angel.
Natural, maaantala nga naman ang filming as the script had to be redone and fine-tuned to suit Angel. Ang ending: alas-kuwatro na ng madaling-araw nakunan ang eksena.
INITIALLY, WE were in disbelief nang marinig namin ang mga kuwentong ito tungkol sa quirks ni Angel. When she was with GMA until she transferred to ABS-CBN, our impression of her na isang team player, or professional has not changed.
As a person, we find Angel to be extremely nice, nakangiti lang, quiet, press-friendly, in short, without a single mean bone in her body.
Kung tutuusin nga ay mukhang mas maldita si Angelica kesa sa kanya. Our heart broke for Derek Ramsay noong maghiwalay sila, only to see Angelica in another relationship (with John Lloyd Cruz) agad-agad!
Totoo talaga ang kasabihang, “Silent water runs deep.”
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III