BONGGA SI ANGEL Locsin. Napasama kasi siya sa Top 20 Facebook Pages worldwide ng Famecount.
Nagpasalamat si Angel sa isa niyang follower through her 143redangel Twitter account at nang i-open namin ang
famecount.com/facebook-rank website ay doon namin nalaman na number 18 siya sa Top 20 Facebook Actors’ List.
Nanguna sa listahan si Megan Fox na may 27,835,051 followers, closely followed by Vin Diesel
na may 27,172,764 fans. Nasa third place si Will Smith, fourth si Jackie Chan at panglima si Taylor Lautner.
Si Angel lang ang kaisa-isang Pilipina na pumasok sa listahan. Mayroon siyang 2,386,843 followers.
ANG ISA PANG bongga ay itong si Marian Rivera. Bakit hindi, eh, no less than President Benigno Aquino III gave her a bouquet of flower para sa kanyang birthday kamakailan.
Parang ngayon lang kami nakarinig na binigyan ng isang presidente ang isang artista ng bulaklak para sa kanyang kaarawan.
We were not surprised, though, kasi naman malaki ang naitulong ni Marian, lalong higit ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes, sa kampanya noon ng kapatid ni Kris Aquino.
MALAKI ANG TIWALA ni Carlo Caparas kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films kaya dito niya ipinagbili ang 50 nobelang kanyang nilikha.
Nag-merge ang dalawang giant showbiz personalities kaya nabuo ang Caparas Studios.
Bilib na bilib si Donna Villa sa convin-cing power ni Boss Vic. Marami raw kasing nagtangkang bumili ng mga obra ni Carlo pero kay Boss Vic ipinagkatiwala ng batikang nobelista ang kanyang mga gawa.
“Ewan ko kung dahil matagal na silang magkaibigan kaya pumayag si Carlo,” sambit ni Donna.
“Kung puwedeng gawin pelikula, gagawin din namin at ime-merchandise namin. Doon kami nagkaisa ni Carlo,” sabi ni Boss Vic.
Ang nakakabilib kay Carlo, hindi siya tumitingin sa pera.
“Appreciation first before compensation. Walang nakakapagdikta sa akin,” sabi pa niya.
MAGALING MAG-SEGUE ITONG si Sarah Geronimo dahil nang matanong siya kung may nagpaparamdam na sa kanya, bigla niyang tinawag si Gerald Anderson. ‘Yun pala, si Gerald ang bago niyang ka-partner bilang endorser ng Globe.
Sinabi ni Sarah na nagbibiro lang siya nang sabihin niyang may nagpaparamdam sa kanya at si Gerald ‘yon. Hindi raw kailangang magkaroon sila ng relasyon para ma-ging hit ang kani-lang tandem. Professional lang daw ang kanilang samahan ng aktor.
Sabi naman ni Gerald, ini-enjoy lang niya ang company ni Sarah na makakasama niya uli sa isang movie.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas