MULING pinatunayan ng aktres na si Angel Locsin na palagi siyang to the rescue sa mga kababayang Pilipino. Ngayong nasa COVID-19 crisis ang bansa ay palagi siyang nag-aambag ng tulong para maibsan kahit papaano ang pinagdadanan ng mga mahihirap nating kababayan.
Nanawagan siya sa mga kapwa artista na mag-donate ng tulong para sa mga health workers na sumasabak sa giyera ng pagsugpo sa corona virus.
Nagpatayo siya ng mga tents na tutuluyan ng mga health workers at iba pang frontliners sa Taguig City matuluyan ng mga ito para hindi na umuwi sa kani-kanilang bahay lalo na kung malayo ang kanilang inuuwian.
Kasama ng tents ang mga trailer trucks na may banyo na.
Kasama ni Angel sa ginagawang charity work ang future husband na si Neil Arce.
Hindi naman maiwasan ng netizens ang mag-alala sa kaligtasan nina Angel at Neil kaya pinag-iingat nila ang magkasintahan.
Bago ang pagtatayo ng ng temporary tent ay namigay din ng food pack ang aktres sa Lakeshore, Taguig.
Ibinalita rin ni Angel na ang ilan sa higaan, pillows and beds na gagamitin ng mga health workers at frontliner sa ipinatayo niyang tents ay galing mismo sa mga artistang hiningan niya ng tulong.
Makikita sa post ng aktres sa Instagram kung sinu-sino ang mga artistang tumugon sa kanyang panawagan.
Pahabol na balita nga pala, sa post ni Angel sa kanyang twitter account ay pinagsisisihan ng aktres ang pag-endorse niya sa kandidatura noon ni Sen. Koko Pimentel bilang senador. Nilabag ni Pimentel ang quarantine protocol nang magpunta siya sa Makati Medical Center kahit pa alam niyang positive na siya sa COVID-19 nang samahan ang asawang malapit nang manganak.
Humingi ng paumanhin ang aktres sa Twitter at sinabing, “Patawarin n’yo po ako.” Ikinampanya noon ni Angel si Sen. Koko dahil ex-husband ito ng kanyang pinsan.
Anyway, mabuhay ka, Angel Locsin. Daig mo pa ang mga pulitikong inihalal ng taong bayan.