Angel Locsin, nataranta nang makita si Luis Manzano – Morly Alinio

Kahapon ang mismong birthday ni Boy Abunda pero noong October 28 (Wednesday) ay nagkaroon ng kauna-unahang Boy Abunda Badminton Cup sa Kalayaan Ave., Quezon City.

“Actually, ito ang sports ko. Ang nakaisip nito ay ang mga kaibigan ko. Hindi naging madali ang pagtatayo namin ng ganitong Cup kasi siyempre ang anumang panganganay ay maraming bagong pagsubok na haharapin. Kaya ang ginawa ko, ang mga imbitado ko lang dito ay ‘yung mga taong malapit sa aking puso dahil kung mag-iimbita ako ng ilang friends natin sa showbiz na hindi naman ganu’n ka-intact sa aking puso ay baka hindi maging matibay ang pundasyon ng first Boy Abunda Badminton Cup,” esplika ni Kuya Boy. Ang ilan sa mga naglaro ay sina Ai-Ai delas Alas, Angelu de Leon, Glydel Mercado, Emilio Garcia at marami pang iba.

[ad#post-ad-box]

“Ang paglalaro nila rito ay for free dahil ‘yung perang malilikom namin dito ay gagamitin namin para sa aming scholar. Actually, nakatutuwa dahil karamihan sa mga natutulungan ko ay bumabalik para magpasalamat pero para sa akin ang pagtulong sa kapwa ay hindi naghihintay ng anumang kapalit. Ang importante ay kung ano ang nagawa mong kabutihan sa iyong kapwa,” dagdag pa ng TV host.

Sa ngayon ay walang balak pumasok sa pulitika si Kuya Boy. “Pero hindi ko sinasarado ang aking isipan at ang aking pintuan sa bagay na iyan dahil hindi naman ako ang taong hindi nagbibigay ng tuldok sa isang bagay na wala pa talagang ending. Napakapangit naman isipin kung sasabihin kong hindi pagkatapos ay makikita ninyo ako na narun na ako sa isang bagay na sinasabi kong ayoko, ‘di ba?”

DUMATING SI ANGEL Locsin sa 25th anniversary ng Gabriela na ginawa sa Amoranto Stadium.

Inusisa namin ang tungkol sa split nila ni Luis.

“Yes, four months na kaming wala ni Luis and I don’t want to elaborate kung ano man ang naging dahilan ng aming paghihiwalay. Basta, ang importante ay alam naming masaya kami sa aming mga ginagawa sa ngayon,” esplika ni Angel.

“Actually, panay ang padala niya ng tulong sa grupo namin, ang Shop and Share, ng mga gamit na bago pa talaga. Makikita mong hindi gamit kaya nga tuwang- tuwa ako sa kanya.” Nag-donate ng dalawang mamahaling relo si Luis. “Yung isa, bago talaga at parang binili yata niya iyon para lang makapag-donate siya.”

Ayaw patawag ni Angel na superhero sa kabila ng mga kawanggawa niya. “Nakakahiya naman. Hindi naman ako superhero. Hindi ako bayani. Ang ginagawa ko lang ay bilang ako, ‘yun bang magaan sa dibdib ‘yung alam mong nakatutulong ka sa iyong kapwa at nakakapagpasaya ka ng mga taong nalulungkot. ‘Yun lang ay isang malaking achivement na sa akin.”

Sinabi ni Angel na totoong kinabahan siya nang muling magsalubong ng landas nila ni Luis sa ASAP. “Hindi ko alam kung nag-holding hands kami, hindi ko alam kung ano ang naging reaction ko. Basta, parang wala lang. Ayokong sabihing mahal ko pa si Luis. Siguro, mas makabubuti kong si Luis na lang ang tanungin ninyo kasi parang napaka- awkward naman kung magsasalita ako sa ganyang bagay.”

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleSikat na aktres, nagpalaglag sa ibang bansa! – Tita Swarding
Next articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #175

No posts to display