MARAMI ANG NAGSASABING hindi na gaanong espesyal si Angel Locsin sa ABS-CBN, hindi gaya noong nasa GMA-7 pa siya na tuloy-tuloy ang teleseryeng tinatampukan niya. Pero, kung mapapansin, sa ABS-CBN ay mas naaalagaan ang pacing ng kanyang career. Hindi pa man nasusundan ang Lobo na huling teleseryeng nagawa ni Angel sa ABS kasama si Piolo Pascual, napakalaki naman ng scope nito kung tutuusin at nasundan ng isang hit movie, ang Love Me Again. Of course, marami ang nagdi-disagree rito. Pero ang mahalaga, kung wala pang regular teleserye, lagi na’y itinatampok si Angel sa isang special episode ng Maalaala Mo Kaya?. Napapansin lang namin na everytime na may project si Angel sa ABS, all systems go para pagmukhaing malalaki ito at espesyal.
Ang pagkakaalam pa namin, hahataw na muli sa isang teleserye ang aktres at ang makakapareha niya rito ay si Sam Milby. Dapat naman sigurong abangan uli ito, maski ng mga detractor ni Angel, dahil kahit ano pa ang sabihin, ang goal ng ABS ay maipakita sa publiko na nag-i-improve si Angel at tumataas ang level niya kaysa rati.
Hindi pa plantsado ang susunod na teleserye ni Angel sa ABS, pero may narinig kami na posibleng pagsamahin sila ni Claudine Barretto, na para sa amin ay magandang move.
Sa isang earlier interview kay Clau, nasabi nga niyang textmates na sila ni Angel.
Nagbabatian sila, at kahit sinabi pa ni Clau na hindi naman talaga sila close, at least, may ganitong situwasyon na pupuwede silang magkatrabaho professionally na walang mabigat na feeling.
HINDI MUNA NAMIN ibinalita ang tungkol sa naging kalagayan ni Nadia Montenegro. Napag-alaman lang namin ito sa isang common doctor na kakilala namin, kaya kinausap namin si Nads para ikumpirma ito. Napag-alaman naming basta na lang nagising isang umaga si Nads na ang left eye niya ay hindi na nakakakita. Cause for alarm siyempre ‘yun at agad siyang nagtungo sa pinakamalapit na hospital para alamin ang kanyang problema.
Nagkaroon ng retinal detachment ang left eye ni Nads at sinabihan siyang kakailanganin ang operasyon para rito.
Ipinaliwanag ni Nadia sa amin na bunga ito ng isang sakit niya years ago, na may kinalaman sa immunity. Hindi niya akalaing after many years, biglang maaapektuhan ang kanyang paningin.
Sumailalim nga sa isang operasyon si Nadia, at ang sabi niya sa amin, kakailanganin pa ng isa pa. Thirty percent ng linaw ng paningin ni Nads, nabawasan na dahil sa nabanggit na operasyon.
Ilang araw ‘yun na lagi naming kinukumusta si Nadia tungkol sa kalagayan niya. Nagkataon kasi na ang doktor niyang si Dr. Cosme Naval ay ini-refer din niya sa amin para tumingin sa mga mata namin dahil sa progressive retinopathy na dinaranas namin sanhi naman ng diabetes.
May pagkakataong nagkakasabay pa kami ni Nads sa Cardinal Santos Memorial Hospital sa Greenhills para sa regular check-ups.
Maraming plano si Nadia na naaantala dahil ilang linggo na rin niyang inaasikaso ang kanyang health problem. Kasama na rito ang golf tournament na gusto niyang pamahalaan.
Kumikilos na siya para rito. Mabait na kaibigan si Nads at marami ang dumadalangin para sa kanyang paggaling, kasama na siyempre kami roon.
Kasama na rito ang pag-aasikaso pa rin sa kanyang anak na si Ynna Asistio na may mahalagang papel pala sa telseryeng Obra sa GMA-7.
Ipinapa-manage na ni Nads kay Annabelle Rama ang kanyang anak na si Ynna. Pero siyempre, tumututok pa rin siya rito, lalo na’t ayaw rin ni Nads na mapabayaan ni Ynna ang pag-aaral nito.
Calm Ever
Archie de Calma