SINO BA NAMAN ang hindi magtatatalon sa tuwa kung makatanggap ka ng isang napakaganda at nakatataba ng pusong balita sa gitna ng depression na nagaganap sa ating bayan?
‘Yun nga raw ang nangyari kay Angel Locsin nang matanggap ang balitang nominated siya sa Best Actress category ng Emmy Awards na gaganapin sa November sa New York, USA para sa papel na ginampanan niya sa Lobo.
Ang daling nasuklian ng magandang karma ang mga magagandang bagay na ginagawa ni Angel nang dumating ang pangangailangan ng ating mga kababayan. Kahit ang bank book ni Angel ay naging bukas para sa mas marami pa niyang maitutulong. Hindi man niya gustong ma-announce na P600,000 na ang naiaambag niya para sa mga nangangailangan, mas excited naman ang mga nagbabalita dahil nga sa magandang ginagawa ni Angel para makatulong.
Pero may nagsabi sa akin na medyo pinaalalahanan na si Angel ng kanyang Daddy na maghinay-hinay muna. Kasi nga naman, wala pa naman uling proyekto ang mahusay na aktres. Pero gano’n talaga kapag may ginagawa kang napakaganda at nakagagaan ng loob, hindi mo na alintana kung makalimutan mo ang sarili mo. Kaya nga siya angel, eh! Laban kayo?
SA PREMIERE NG Nandito Ako… Nagmamahal Sa ‘Yo, nakita naming muli si Julio Diaz after so many years! At doon kami nagkapalitan ng cellphone number.
Isang ligaw na text message mula sa kanya ang natanggap ko noong Martes ng gabi. May message doon na nangungumusta sa shooting niya at sinagot naman niya ng “Hayun, sinagad nang husto ang eksena ko, imbes na madagdagan ako ng 1 day pa. I PROMIZ this will going to be (sic) d last day of the HONORARIUM days.”
Siyempre, sinagot ko ng pagtatanong ang text n’ya. Ang komento ko, sobrang bait niya siguro.
Sagot uli siya-”Yes, sa sobrang bait ko, inaabuso. Ending ako pa ang may kuwentong nasisiraan ng bait. Poor PHIL FILM INDUSTRY.”
Inusisa ko siya sa text, pero mukhang maraming ka-text si Julio kaya pati ang hindi intended sa aking messages, eh, naliligaw sa number ko. Tanong naman ako nang tanong.
Ang next message niya: “It’s not really u Ms. LOPEZ whom i ANGST about, its d WHOLE SYSTEM. D energy of d industry is in RANDOM state. Honorarium is the last of its KIND dats being MISUSED.”
Ask na naman ako kung sino naman si Ms. Lopez. Answer naman uli siya, pero ang sagot, eh, para sa ibang tao na naman: “BIANCA, CULPRIT ay ang producers mo. IN case mamura ka ng mga taong ginagamit nyo jan, ang mga producer mo ang ITURO mo dahil sa effect ng HONORARIUM sundrome.”
Sabi ko uli sa kanya sa text, mukhang wrong send na naman siya sa akin. Answer uli. Tinatanong ko na kung sino si Ms. Lopez.
“Ang producer ng Advocacy Film ay si Maribel Lopez. D not so beauty and but d brainy Bb. Pilipinas titlist.”
O, kaya nyo ‘yun? Ask ko pa si Julio kung ano itong pelikulang ginagawa niya at kung sino ang mga artistang kasama niya pero mukhang inantok na ang Lolo nyo at ‘di na nakasagot o ‘di na nakayanan ang pakikipagtalo niya sa mga ka-text niya sa cell phone niya!
The Pillar
by Pilar Mateo