Angel Locsin, pinataob ni Marian Rivera sa pagti-trend sa social media

Angel-LocsinSUPER HAPPY ang GMA-7 dahil nag-trending worldwide ang pilot episode ng soap opera ni Marian Something. Talagang super rejoice ang lahat sa GMA-7 dahil pinataob talaga ni Marian ang soap ni Angel Locsin dahil sa pagti-trend nito.

Obviously, sabik na sabik ang Siyete na mag-trending topic sila. Kasi naman, hindi sila palaging nagiging trending topic sa social media. Hindi nila kaya ang pagti-trend ng soap nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang araw-araw.

Actually, nangyari lang ang trending topic sa show nila noong panahon ng My Husband’s Lover. Pero bagama’t naging trending topic sila halos gabi-gabi ay hindi naman talaga nag-rate nang husto ang programa nilang ‘yon.

MANY QUESTIONS have been asked on social media about the Vhong Navarro, Deniece Cornejo brouhaha.

One is asking “kung sa Southern Police District ang blotter at may agreement na hindi ilalabas yun basta wag lang magsalita si Vhong, bakit ito lumabas nung Sabado samantalang Linggo na nagsalita si Vhong?”

The same guy is asking kung “sino ang nag tip sa GMA News na nasa PNP-SPD yung blotter.”

‘Eto pa ang isang katanungan, “KUNG IKAW PINAGTANGKAANG GAHASAIN AT NASA KAMAY MO NA ANG SUSPECT HINDI KA BA MAGDEDEMANDA AT ALAM MONG MALAKI CHANCE M0NG MANALO? BAKIT INATRAS MO ANG BLOTER?”

Ilan lamang ‘yan sa mga katanungang kumakalat ngayon sa social media.

Agad-agad na inilampaso ng Buzz ng Bayan ang Startalk sa unang Linggo ng pagsasalpukan nila. Kinawawa ng show ni Boy Abunda sa rating ang show nina Joey de Leon at  Lolit Solis. Ayon kasi sa Kantar Media Ratings noong
Jan 26, Sunday, nakakuha ang Buzz ng Bayan na 20.5% against Startalk’s 4.2% sa National Ratings. Sa Metro Manila ratings naman ay nakakuha ang Buzz ng Bayan na 23.5% vs Startalk’s 5.4%.

Kasi naman, hindi na dapat itinatapat pa ng Siyete ang Startalk sa Buzz ng Bayan. Ang feeling siguro ng executives ng GMA ay kaya na nilang talunin ang Sunday show ni Kuya Boy dahil hindi na ito The Buzz. But they were wrong.

O baka naman isipin nilang kaya nag-rate nang husto ang show ni Boy ay dahil sa controversial interview niya kay Vhong Navarro, hindi kaya?

Whatever! Talunan talaga kayo sa unang salpukan. You can’t erase that. Ang talunan ay talunan!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleDeniece Cornejo, kakaunting simpatiya ang natatanggap
Next articleVhong Navarro, nakahanap ng katapat?

No posts to display