Angel Locsin sa mga kasamahang artista sa ABS-CBN: ‘Kailangan na natin magsalita’

Leo Bukas

“Sa mga kasamahan kong artistang ‘di nagsasalita, ano, may career pa ba kayo? Wala na! Wala na kayong network.

“Kahit magpa-cute kayo d’yan sa Instagram, magsend kayo ng mga sad face, di n’yo nadadamayan ang mga katrabaho nyo na dahilan kung bakit kayo sumikat.”

Ito ang naging pahayag ni Angel Locsin sa ginanap na noise barrage ng mga empleyado, supporters at artista ng ABS-CBN nu’ng Sabado, July 18, ng gabi sa harap ng ABS-CBN compound sa Sgt. Esgerra, Quezon City.

Angel Locsin

Patuloy ng aktres, “Huwag kayong matakot. Wala na kayong po-protektahang career o image. Andito na tayo sa panahon kailangan na natin magsalita. Naiintidahan ko kayong mga artista especial sa akin dapat tahimik lang tayo dapat sweet lang ang image. Dapat neutral para walang kalaban.

“Kapag hindi tayo nagsalita, ibig sabihin kinampihan natin ang mali! Hindi ako papayag na doon ako sa maling part ng history kakampi.

“Mahirap man eto pag ipinaglaban natin pero alam ko taas noo ako, tama ang pinaglalaban ko.”

Nilinaw din ng tinaguriang Darna ng mga Pinoy na hindi siya nagpoprotesta dahil meron siyang shares of stocks sa ABS-CBN.

“Hindi ako binayaran. wala akong shares sa ABS-CBN. Wala akong kontrata, pero ang mga taong to sila ang nagbigay ng trabaho sa akin sila yung tumulong sa akin ng walang-wala ang pamilya ko.

“May utang na loob ako sa kanila pero ginagawa ko to dahil eto ang tama para sa mga tao,” paglilinaw ng aktres.

ANGEL LOCSIN

“Hahayaan ba natin na ang laban ng mga mayayaman, ang mahihirap ang magdudusa? HUWAG KAYONG MATAKOT magsalita, mag observe! Bantayan ang 70 na congressmen na yan!” huling bahagi ng kanyang pahayag.

Pagkatapos ng naging panawagan ni Angel ay kapansin-pansing isa-isa nang nagbigay ng kanilang mga pahayag ang malalaking Kapamilya stars tulad nina Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, Maja Salvador at marmi pang iba.

Previous articleSarah G, nagsalita na rin tungkol sa pagbasura ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN
Next articleNaanakan ni DJ Loonyo lumantad at kinontra ang life story ng dancer sa ‘MPK’

No posts to display