NOONG NAKARAANG HUWEBES, lumipad patungong New York si Angel Locsin para dumalo sa International Emmys 2009, kung saan siya ay nominated sa Best Actress category. Nominado si Angel para sa kanyang magandang performance sa teleseryeng
Lobo o The Wolf, kasama si Piolo Pascual. Ito ang kauna-unahang teleserye project ni Angel sa ABS-CBN.
Solo flight na umalis si Angel ng bansa. Hindi siya nasamahan ni Piolo dahil naghahabol ang aktor sa kanilang taping sa Lovers in Paris. Maaga pa lang ng November 23, ka-text na namin si Angel mula sa New York at pinagpapanalangin na manalo sana siya.
Kalaban ni Angel sa kategoryang iyon sina Emma de Caunes mula sa bansang France, Cecillia Suarez mula sa Mexico at si Julie Walters mula sa United Kingdom. Mabibigat ang mga katapat ni Angel kaya naman hindi na siya umaasa na manalo siya at gaya nga ng sambit niya sa kanyang Facebook account, “Lord, thy will be done.”
Kahapon ng umaga, ka-text na namin si Angel at ibinalita niyang hindi niya nakuha ang Best Actress award. Naigawad ito kay Julie Walter ng United Kingdom.
Text sa amin ni Angel, “Kaka-announce lang. Julie Walters. :) Hay! Makakapag-relax na ako!”
Ramdam namin ang pagkahinga ni Angel nang maluwag dahil overwhelming talaga ang pakiramdam sa ganito kalaking nominasyon at recognition. At pangalawa lang si Angel sa mga Pinoy na na-recognize na rito, sunod kay Tessie Tomas.
Tuwang-tuwa naman ang mga taong malapit kay Angel at nagpapasalamat sa lahat ng nanalangin at nagpakita ng suporta. Pati ang mga fans ni Angel at nagbubunyi dahil hindi man siya nanalo, e, malaking karangalan na ito para sa ating local showbiz industry.
Muli, Angel congratulations, ha!
BIGTIME NAMAN SI Efren Peñaflorida sa kanyang CNN Hero of the Year award. Mula sa mahigit 9,000 na nominated ay na-shortlist si Efren sa final 10 kung saan marami ang bumoto online para malaman kung sino ang tatanghaling Hero of the Year at si Efren na nga ang nanalo! Ang kanyang Mobile Kariton o Kariton Classroom ang nakitang karapat-dapat na mag-uwi ng $125,000 para maipagpatuloy ang kanyang nasimulang magandang proyekto para sa mga kabataan.
Back-to-back congratulations para sa ating mga Kapamilya!
Magsisimula na sa Sabado, November 28 ang pinakabagong talk-reality show ng ABSCBN ang The Bottomline.
Hosted by Boy Abunda, mahaharap sa kakaibang one-on-one in-depth interview ang mga invited guests at personalities. Dito mas malalaman natin ang katotohanan at ang mga kasagutan sa ating mga katanungan. Matapang – Diretso – Totoo.
Panoorin at tutukan na ang pinakamainit na new show ng ABS-CBN – ang The Bottomline, Sabado pagkatapos ng Banana Split.