BLIND ITEM: PINAG-AARALAN pa ng isang aktres kung susunggaban niya ang offer ng isang istasyon para lumabas sa isang soap. Malaking balakid kasi ang trabahong tinanggap niya sa kanyang mother studio, isang panandaliang horror-comedy at isang araw-araw na programa na kelan lang niya si-nimulan.
Bagama’t ang manager niya ay identified sa kabilang network, the ball is ultimately in her hands, whe-ther or not manatiling nagtatrabaho sa kasalukuyang istasyon.
Pero hindi maiaalis ng aktres na ito ang labis na panghihinayang over an unrealized career opportunity lalo pa’t ang kanyang mister, also a singer, is part of a huge, stellar production in the rival network. Both she and her husband have the same manager.
Gets n’yo na kung sino sila?
ENOUGH OF SYMPATHY-DRAWING interviews on irrelevant issues. Ito marahil ang panawagan ni Illac Diaz sa kanyang kataltalang si Angelica Jones over the “bottle school” brouhaha na siya namang ugat ng kani-lang away.
While initially, tinutumbok ni Bokal Angelica ang isyu sa supposed fun-ding by Illac’s My Shelter Foundation to build a school made of sand-filled bottles in Laguna, her case against the latter has meandered on senseless revelations about their alleged romantic liaison.
This seems to be Angelica’s desperate ploy para makuha ang simpatya ng publiko, gayong nakakalimutan niya ang simpleng nais mangyari lang ni Illac out of their transaction: Ang i-liquidate ni Angelica ang lahat ng mga sinasabi nitong ginastos para sa pagpapatayo ng bottle school.
Hindi na mahalaga rito if Illac and Angelica ever became lovers or not, gaya ng gustong palabasin ni Angelica, even if there’s such a line “Hell hath no fury like a woman scorned.”
Sa darating na April 22 na ang itinakdang deadline para sa ganap na pagtatapos ng construction ng naturang bottle school, such is the main concern of Illac, the project being the first ever introduced in Asia. Sadly, hindi rito nakatuon ang pansin ni Angelica who’s rather pursuing a case (grave oral defamation) against Illac which is totally pro-ject-unrelated.
Nitong Sunday, pareho naming natiyempuhan ang magkahiwalay na sit-down interviews kay Angelica ni Raymond Gutierrez sa Showbiz Central at ni Boy Abunda sa The Buzz. Although Angelica understandably wore two different clothes, iisa lang ang drama niya: Umiyak.
To me, it was Angelica’s best dramatic performance in two showbiz-oriented talk shows!
AS THE CLICHÉ goes “how time flies.” Kamukat-mukat mo, isang taon na pala ang Face To Face ni Amy Perez without your face staring at the calendar.
Admittedly, isa kami noon who doubted the “acceptability” of the program by the Pinoy audience. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat that FTF is inspired by America’s The Jerry Springer Show, where lives of warring kin and friends are like dirty linens na nilalabhan sa publiko. Handa ba ang Filipino viewers sa gano’ng uri ng panoorin given our conservative culture?
FTF, however, was able to “de-culture” us, tackling barangay-like issues in family and personal relationships yet leaving room for enlightenment, if not possible reconciliations in the end. Kinailangang isangguni ang mga sensitibong paksang pinag-aawayan, both in words and in actions all taking place right on the set, sa mga ekspertong kumakatawan ng simbahan, batas at medisina.
Isang taon na palang umaawat at pumapagitna sa mga iringan ni Tsang Amy, isang taon nang ipinakikita sa atin ang mukha (kaya nga Face To Face, ‘no!) ng buhay in its loveliest and ugliest shape, size and sight.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III