Angelica Jones, refutes Illac Diaz’ accusation!

SA TOTOO LANG, hindi ang klaro’t intelihenteng pagpapaliwanag ni Illac Diaz ang mas inabangan sa Startalk TX nitong Sabado, kundi kung paano idinepensa ng kaaway niyang si Laguna Board Member Angelica Jones ang kanyang sarili.

Klaro’t intelihenteng panig ni Illac as opposed to Angelica’s contrived, calculated and comedic attack in addressing the issue!

Consider Angelica’s following boo-boos nu’ng magpatawag siya ng press conference recently: “Nagpaka-COMPOSURE na lang ako.”

So, anong tama? “Napagpaka-composed na lang ako,” I repeat, COMPOSED. Baka ang masabi niya sa susunod, DECOMPOSED!

‘Eto pa. “Kaya nga idedemanda ko siya ng ORAL GRAVE defamation.”

“Base kasi sa REPORT EXPEN-SES…” Teka, baliktad! Hindi kaya binabaliktad din ni Angelica si Illac sa kuwento?!

Magpapaka-vocal din lang si Bokal Jones, mali-mali pa ang inensayo na niyang dayalog with the press! Correction please, I don’t find Angelica cheap. Mas natsitsipan ako kay Illac dahil pumatol siya kay Angelica!

Pero ang hindi ko mapapatawad na the height ng power-tripping ni Angelica is such words: “Board Member ako, puwede ko siyang (Illac) ipakulong o ipabugbog pero hindi ko ginawa!”

Saang provision kaya ng Local Government Code mandates an official na may ganitong kapangyarihan?

If only for her statement, Angelica should be reprimanded or sanctioned because it would reflect on the entire Board of Laguna!

Ang simple-simple lang naman ng hinihingi ni Illac: Suportahan ni Angelica ng mga dokumento ang pagpapatayo ng bottle school ayon sa idinoneyt niya…may COMPOSURE-COMPOSURE pa siyang nalalaman!

Puwes, alam ni Angelica ang spelling… define! Oh, just as I thought starlets ain’t cheap, there exists a few… na naturingang public officials pa, ha?!

MAY KASABIHANG ‘PAG umibig, ang lahat ay hahamakin. Hamakin din n’yo, isang dalaga, nakuhang hamakin ang kanyang ina’t ate maipaglaban lang niya ang pagmamahalan nila ng isang tomboy?

Patutunayan ng episode ng Face To Face ngayong Miyerkules ng umaga titled ‘Si T-bird, Dumapo sa Pugad ni Ate at ni Bunso’ na makapangyarihan talaga ang daliri, este, pag-ibig. Tunggril si Catherine na ang una niyang naging dyowa ay si Lita, na nabuko niyang kumekerengkeng din pala sa ibang mga guys. Nabaling ang atensiyon at pagmamahal ni Catherine kay Jennifer, bunsong kapatid ni Lita.

Napamahal naman kay Jennifer ang naging “left-over” lang ng kanyang ate, dahil sa problema rin nito sa inang si Jovy na may favoritism sa mga anak.  Pilit binabawi  nina  Aling Jovy at Lita si Jennifer mula sa piling ni Catherine, pero wa niya feel sumama sa kanyang pamilya.

Samantala, kung ikaw ay ina at sabihan ka ng iyong anak na “Sana mamatay ka na!”, ano ang puwede mong gawin dala ng matinding sama ng loob? Sa kaso ni Nanay   Annabelle, nagpakalunod siya sa ilog, pero buhay siya, in fairness.

Ito ang ilalahad ng hitad in tomorrow’s episode titled ‘Nagpakalunod sa Ilog ang Ina Dahil sa Matinding Selosan sa Pamilya!’ Harap-harapang magtatalakan si Nanay Annabelle at mga anak nitong sina Edna at Angela na nagkampihan. To the rescue naman ang isang anak na si Donabelle na maka-ina.

Mga nagtatalsikang laway habang nag-aaway… dito lang sa Face To Face!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleBaby James, ‘sees’ grandma Cory Aquino!
Next articleMark Herras, already a has-been?

No posts to display