DALAWA PALA SA mga nagbura na ng kanilang mga tweets, pero hindi naman ang kanilang mga accounts eh, ang mga aktres na sina Cristine Reyes at Angelica Panganiban.
Sabi ni Cristine sa interbyu sa kanya para sa pelikula niyang Tumbok, ang mga lumalabas daw sa Twitter account niya eh, ang nauuna niyang i-post in her Facebook fan page na dini-diretso sa Twitter. Wala raw siya ngayong gaanong time na mag-tweet dahil na rin sa kabisihan sa mga ginagawa.
Si Angelica naman, hindi na rin daw nagsasasagot sa kanyang Twitter account. Dahil surrounded pa rin daw ito ng mga taong uneducated. Na karamihan, sa kaso nga niya eh, gusto lang siyang bastusin. Dagdag pa niya, “Hindi naman lahat sa Twitter lang nakasalalay.” Nagpapasalamat lang si Angelica na nakasubaybay pa rin sa kanya ang mga tagahanga niya.
Pero sa Twitter na rin namin nabasa ang mga posts sa nangyari sa young actor na si AJ Perez na galing sa isang show sa Dagupan. At naaksidente naman sa Tarlac nang mabangga ang kanilang sinasakyang van habang umiidlip sila. At nasubaybayan ko ang mga tweets ni katotong Ogie Diaz na siyang nagkaroon ng pagkakataon na makausap ang ama ni AJ, na si Daddy Gerry na iyak daw nang iyak sa sinapit ng napakabait na anak. At ayon sa na-share ni Ogie sa kanyang tweet, bago pa man daw madala sa pagamutan si AJ eh, binawian na ito ng buhay.
Ang amin pong pakikiramay sa kanyang mga naulila. At sa aming mga mambabasa, ipagdasal po natin sila.
KAHIT NA RAW may panibago na naman siyang palabas na pinagkakaabalahan ngayon sa GMA News TV Channel 1, hindi naman iiwan ni Tita Mel Tiangco ang mga patuloy na niyang ginagawa sa Kapuso.
True naman daw and she can lay claim na nang maging anchorwoman siya nu’ng una eh, naging number one naman ang kanilang news program. Kaya, hindi niya raw iiwanan ang puwesto niya para may maupong iba at ito ang magsabing siya ang gumawa rito para mag-number one.
Ibang tema naman ang programang Powerhouse kasi ni Tita Mel. Dahil sa nasabing programa, mga pribadong tao ang kanyang kakatukin sa bawat tahanan nila, hindi lang para ipakita ang mga tirahan nila kundi para makipag-usap din sa mga ito sa maraming bagay. May 11 tahanan na ang kanyang nabisita. At nagsimula na itong mapanood noong February 28.
At sa mga nabisita na niya, ang babalik-balikan daw niya eh, ang bahay ng mga Enrile, sa pakikipag-usap niya sa matriarka nito na si Mrs. Cristina Ponce-Enrile. Kasi raw, it’s a big compound. Pero walang mga pintuan sa nasabing bahay, pagpasok mo pa lang sa lanai nito.
“Open ang sala, leading to the garden. Kung magkakaroon ako ng dream house, siguro kalahati ng kay Mr. Jose Concepcion, kalahati kay Megastar Sharon Cuneta, at gusto ko ‘yung mga malalaking jade vases ng mga Monteverde (Lily and Roselle) dahil worth hundreds of thousands daw ang mga ‘yun. With the houses that I get to visit, makikita mo na ang signature ng mga taong nakatira du’n at ang kanilang character.”
Sa bahay nga raw ng mga Enrile eh, may sarili silang simbahan. At nabiro nga raw niya si Mrs. Enrile na kapag ready na siyang magpakasal eh, doon siya magpapakasal.
“Alam niya kasi, hindi dada-ting, eh,” natatawa nitong wika.
She’s way past her biggest struggle in her life in broadcas-ting. Kaya, kung darating daw ang panahon na papipiliin siya between her career and a happy family life, she will choose the latter pa rin daw.
The Pillar
by Pilar Mateo