FOR SURE ay pinagbawalan si Angelica Panganiban na magsalita sa kasong isinampa sa kanya ng wife ni Derek Ramsay na si Mary Christine Jolly. Mary Christine filed concubinage charges against Derek and Angelica sa Parañaque Prosecutor’s Office.
Ang Angelica, tila cool na cool lang. She even posted a photo of her and John Lloyd Cruz on her Instagram account with the caption, “This is us happy. God be with you.”
Actually, ang feeling namin ay pinaniwala lang si Angelica ni Derek na binata ang hunk actor. Gullible that she is, naniwala naman siya. Noong lumabas ang pagiging married ni Derek ay naging shaky na ang relasyon nina Derek at Angelica. Later, nauwi ito sa hiwalayan. Easily, it can be deduced na hindi aware si Angelica na meron palang asawa si Derek. Siguro ay naging aware lang sila nang lumabas na ito sa newscast ng Dos.
Ito naman kasing si Derek ang may kasalanan. He projected himself as a bachelor. Pinaniwala niya ang kanyang fans na single siya at wala pang sabit. At nang lumabas na ang totoo ay saka lang siya umamin.
Noong una, hindi rin niya maamin na me anak na siya. Hindi ba’t it took all of eight years para angkinin niyang anak niya ang anak ni Mary Christine. Kung hindi pa napatunayan sa DNA test na anak niya ang eleven-year old boy ay hindi pa niya ito aangkining anak niya. Kaya nga naiintindihan namin ang galit ng anak ni Derek sa kanya.
KARAMIHAN SA reality shows ay anti-poor. Napansin namin na ang reality show ng Dos ay parang galit sa mga mahihirap. Parang mababa ang tingin nila sa mga galing sa hirap na contestant kaya naman bihirang-bihira nila itong kunin bilang contestant. Siguro ay natatakot silang baka magkalat ang mga iyon kapag nakakulong sila sa Bahay ni Kuya o kaya sa house sa I Do. Natatakot sila sigurong ipakita na wala silang manners, na capable silang magmura, na maaari silang makipag-away sa kapwa nila contestant.
That said, we felt that Regine Velasquez and Alden Richards’ Bet ng Bayan is one for the masa. Nakakaloka ang mga pasaway na contestants na aming napanood. Nakakatawa ang mga trying hard contestants na kahit mali-mali na sa pagkanta, na kahit wala na sa tono at wala naman talagang karapatan ay sige pa rin nang sige. Hindi takot ang Siyete na ipakita sa madlang pipol how contestants coming from the masa are behaving. Wala silang pakialam, wala silang keber kung pagtawanan ang contestants, that’s reality.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas