HINDI SIGURO MATANGGAP ng mga detractors ni Angelica Panganiban na sa ngayon ay kinikilala na ang galing niya sa larangan ng pag-arte. Ito marahil ang rason kung bakit iniintriga siya ma-tapos manalo bilang Best Actress In A Comedy Role sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society at mapara-ngalan din bilang Best Comedy Actress sa Guillermo Mendoza Awards.
Nominated na naman kasi si Angelica for Best Actress sa nalalapit na 27th PMPC Star Awards For Movies which will be held sa Resorts World on June 21. Ito’y sa mahusay at kuwela niyang pagkakaganap bilang babaeng nakapalitan ng kaluluwa ang isang bading na make-up artist (portrayed by John Lapus) sa Here Comes The Bride.
Kasama niyang nominado rito sina Lorna Tolentino at Bea Alonzo (Sa ‘Yo Lamang), Ai-Ai delas Alas (Ang Ta-nging Ina Mo, Last na ’To!), Anne Curtis (In Your Eyes), Lovi Poe (Mayohan), at Dawn Zulueta (Sigwa).
Parang pinalalabas ng iba na walang karapatan si Angelica na manalo ng award. Na hindi raw kaya nagba-yad lang para may makuhang acting trophy.
Siyempre pa, may reaksiyon si Angelica. Simula raw no’ng nagsimula siya sa showbiz bilang child star, marami na rin siyang parangal na natanggap. At never umano siyang nagbayad para sa award. Ayaw raw niyang lokohin ang sarili niya para may makitang trophy araw-araw.
Masaya raw si Angelica kung nasaan siya ngayon. Happy raw siya sa mga gawad-pagkilalang nakuha niya, at sa mga ibibigay pang parangal sa kanya kung saka-sakali.
Sa kabila ng pang-iintriga sa sunud-sunod na nomination at pananalo niya ng award, hindi raw dahilan ito para hindi siya mag-attend ng Star Awards. Malinis daw ang konsensiya ni Angelica. Nagpapasalamat nga raw siya nang bonggang-bongga dahil sa lahat ng nangyayaring intriga, napasali pa rin siya sa list ng nominees.
Nakatataba raw ng puso na ma-nominate siya as best actress. Aniya pa nga,“Talagang best actress ka na pala! Kaya mong lumevel sa mga tao sa drama na kulang na lang ay magbuwis ng buhay para lang makaarte.”
Sapat na raw ang nomination na ‘yon sa Star Awards. Kahit hindi na raw siya ang palaring manalo dahil nakakadalawa na nga siya. Biro pa nga ni Angelica, “Puwede bang sumuko na lang sa nomination? Sa kanila (sa mga detractors niya) na lang. Ayoko nang maintriga.”
Napanood namin ang Here Comes The Bride. Kumbinsido kaming mahusay nga ang pagkakaganap niya sa kanyang role. Ang acting naman, sinusukat kung paano mo nabigyang buhay nang maayos ang iyong karakter ke sa comedy man o sa drama. Kung nai-portray mo ito nang buong ningning at bonggang-bongga, eh ‘di pang-best actress ka nga.
‘Yun na!
KUNG SI ANGELICA Panganiban, kinukuwestiyon ang karapatang magkaroon ng award, wala naman sigurong magtataas ng kilay sa Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde na siyang pararangalang Ulirang Alagad Ng Sining Sa Likod Ng Camera sa nalalapit na PMPC Star Awards For Movies pa rin. Deserving naman siya sa nasabing gawad-pagkilala.
Malaki ang naging kontribusyon niya sa local movie industry. Marami nang naisulat tungkol sa kanya. Sabi nga, her outburst, her shrewdness, her unorthodox ways, and even her personal life is not always that she is written about in a flattering light. But one thing is certain, in the history of Philippine Cinema, Mother Lily is indeed a legend in her own right.
Today, she is among the very few na patuloy pa rin sa pagpu-produce ng mga pelikula kahit na kung minsan, her films failed to break even in the box-office. Because filmmaking is her passion and mission in life nga raw.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan