BUONG PAGMAMALAKI sinabi ni Direk Ruel S. Bayani NA super showdown ang acting na ipinakita nina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo sa pelikuang One More Try na isa sa official entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival, 2012. Nang dahil sa husay at galing na ipinakita nina Angel at Angelica, buong ningning na inamin ni Direk Ruel na may laban ang dalawa kay Nora Aunor (Thy Womb) for Best Actress.
“Yes! Siyempre lahat ng tao sa-sabihin, si Ate Guy ‘yan. Wala nang laban ‘yung dalawang batang dahil institusyon na siya. Hindi ganu’n ang buhay, ang buhay, paggising mo, may laban ka. Kung para sa ‘yo, mapupunta sa ‘yo, kung hindi, hindi. Alam namin, kalaban si Ate Guy,” diretsong sabi ni Direk Bayani.
Siyempre, kinunan namin ng reaction sina Angel at Angelica tungkol sa binitawang salita ni Direk Bayani na malaki ang paniniwala nito may laban sila kay Ate Guy. “Yes, may laban kami. Naniniwala kami na may himala. Sobra naman namin itong pinaghirapan. Sa totoo lang, maitabi lang kami sa pangalan ni Ate Guy ay malaking bagay na ‘yun. Hindi namin minamaliit ‘yung performance namin, sobra kaming positive,” say ni Angelica.
“Hindi natin maitatanggi ang galing ni Ate Guy. Siyempre, nirerespeto po natin lahat ‘yung galing niya pero hindi naman namin mamaliitin ‘yung effort na ipinakita namin sa pelikula. Si Angelica, masasabi kong napakagaling niya rito, hindi rin po ako nagpatalo. Masasabi ko, itong filmfest marami pong mabibigat na pangalan kaya nasa inyo po ‘yun,” dugtong naman ni Angel.
Alin sa sitwasyon sa totoong buhay ang puwedeng matanggap nina Angel at Angelica, ‘yung manghiram o magpahiram? “Actually, parehong mahirap po talagang sabihin pero kapag nandu’n ka na sa sitwasyon na ‘yun, parehong mahirap. Ako po, bilang ako, hindi ‘yung character ko, mas madali ‘yung magbigay kaysa humingi. Mas may kailangan ka kapag humihingi ka. ‘Pag nagbibigay ka, parang igi-gift mo lang du’n sa tao. Pero kapag nandoon ka na sa situation na ‘yun, ang hirap, ang hirap talaga po,” paliwanag ni Angel.
Sambit naman ni Angelica, “Well, ipagdarasal ko talaga na hindi ako umabot sa point na ganoon ang pinagdadaa-nan. Madali siguro ‘yung magpahiram. Kasi, kung ikaw ang nanghihiram may sakit na nga ‘yung anak namomroblema ka na, naghihirap ka pa, madamot pa ‘yung isa.”
Reaction ni Bea Alonzo nang malaman niya may love scene sina Zanjoe at Angel? “Hindi siya naniwala na may love scene kami ni Angel. Pero i-confirm pa niya muna kay Inang (Direk Bayani) saka lang siya naniwala. Wala kaming issue sa mga ganu’ng bagay dahil nu’ng nagkakilala kami pareho kaming artista so, walang selos-selos,” tugon ng actor.
Kumusta naman ang love scene nina Dingdong at Angelica? “Si Dingdong, sobrang gentleman. Sobrang protective sa kaeksena niya. Siyempre, ayaw niyang masilipan ‘yung ka-eksena niya. May mga tao rin naman sa set, hindi lang ka-ming dalawa. May mga lalaki rin. So, hindi mo maiiwasan. Ayaw niyang maramdaman ng kaeksena niya na baka ang feeling nito nababastos ko na siya or baka lumalagpas na siya sa boundary niya. In fairness sa kanya, wala kang mararamdaman. Siya ‘yung pinakamagaling mag-handle sa mga nakaeksena ko. Sabi ko nga, si Dingdong, parang akala mo Kapamilya star,” kuwento ng dyowa ni John Lloyd Cruz.
Pawang papuri rin ang sinabi ni Angel tungkol kay double D. “Bago magsimula ang eksena (love scene), tatanungin niya kung okay ako. Tapos, pagkatapos, tatanungin uli niya ako kung okay ako. Imbes na protektahan niya ang sarili niya, iniisip niya ‘yung ka-partner niya. Nakikita rin naman siya ng mga tao. Bumilib ako sa kanya dahil hindi naman lahat ng artistang lalaki ganoon kaalaga. Hindi niya ipapa-feel sa ‘yo na nagte-take advantage siya. Wala kang mararamdaman na ganu’n. Napaka-professional at napaka-gentleman.”
Hanggang saan ang pasensiya ni Angelica pagdating sa pag-ibig? “Naku, pelikula lang ‘yan, huwag tayong magpadala. In fairness, ang layo na ng narating ko, huwag na nating balikan. ‘Yung pasensiya ko na-refill na ng iba, iba na itong level kasi, naubos, iba na ito ngayon.”
Para kay Angel, “Lahat naman tayo napagdadaanan na may araw na bonggang-bongga ang pasensiya mo. Kung importante naman sa ‘yo ‘yung tao, hindi ‘yung pasensiya ang nauubos, ‘di ba? Hindi na tama para ipagpatuloy pa kung ano ‘yun. Pero wala akong experience na ‘yung pasensiya nauubos. Mababait naman po silang lahat. Kasi ako, kapag mahal mo ‘yung tao pipilitin mong intindihin.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield