In fairness waging-wagi ang mga nanood ng pelikulang “The Unmarried Wife” nina Angelica Panganiban, Paulo Avelino, at Dingdong Dantes na obra ni Maryo J. delos Reyes.
Tulad nang nakagawain ko, tuwing first day ay nanonood na ako ng pelikulang gusto ko.
Sa katunayan, nagustuhan ko ang movie nilang tatlo, tulad marahil ng mga kasabayan ko na nanood sa LFS sa Gateway Cineplex noong unang araw ng pagpapalabas ng pelikula.
For me, it’s one of the best Filipino film na nagustuhan ko na napanood in my entire life nang pumasok ako sa showbiz at nag-showbiz writing na ako.
Ang galing ni Angge. Siyang-siya. ‘Yun nga lang, pansin ko, parang mabibilang ko lang ang pagbitaw niya ng English lines habang ang mga kaeksena niya tulad nina Denise Laurel at Maricar Reyes, mga Inglesera. Never ko yatang naalala na may binitiwang English line si Angelica, gayong group head siya ng isang advertising agency.
Angelica was good sa highlights niya. Gusto ko ‘yong kumprontasyon nila ni Dingdong na nagalit siya sa asawa sa pambabe nito. Like ko rin ‘yong eksena nila ni Paulo sa may ending ng pelikula. Ang aktor, magaling sa eksenang ‘yun. Simple lang pero naitawid ni Pau ang eksena nang walang kaartehan (over acting).
Si Dong, cool ang mga eksena. Sexy siya sa tindig niya at porma as the husband of Angelica.
Sa cast at sa Star Cinema, congrats!
Reyted K
By RK VillaCorta