SI DEREK RAMSAY ang nagsabing gusto niyang makilala nang personal ang tunay na ama ni Angelica Panganiban. “Sa phone pa lang kami nagkakausap, pero sana one day, magkita kami ng personal, sabi ni Derek sa amin. Idinagdag pa nitong wala siyang karapatang magsalita tungkol sa “tunay” na ina naman ni Angelica. “Kung me-ron mang dapat na magsalita tungkol du’n, si Angel… dahil personal na buhay niya iyon. Basta ako, nandito lang ako sa tabi niya.”
Last year sa Boracay inubos nina Angelica at Derek ang kanilang bakasyon. “Ngayon heto uli kami ni Angel back to work uli.”Pero hindi pa raw tiyak nang aktor kung tuloy na ang proyektong pagsasamahan nila nina Angelica at Gretchen Barretto. “May mga naririnig akong ganu’ng kuwento, pero wala pa talagang confirmation.”
Sa kabuuan, sinabi ni Derek na wala siyang nakikitang masama kung saka-ling makatrabaho niya sooner ang dating katipan na si Solenn Heussaff. “Last Christmas, nagkausap kami sa phone, at wala namang problema iyon kay Angel dahil hindi naman siya selosa. At alam niyang secure siya sa pagmamahal ko sa kanya.”
NASAAN NA SI Rene Imperial? Si Rene ay sumikat noong 80s at bigla na lang nawala nang ito ay masangkot sa malawakang eskandalo ng gambling, kung saan ay isang bukas na aklat kung paano niyang hinarap ang kabi-kabilang kaso na napagwagian niya at the end.
Isang simpleng tao na lang ngayon si Rene na nagmamay-ari ng isang bar sa Rizal. “Simple lang ang takbo ng buhay ko ngayon, masaya sa piling ng aking mga anak at may maliit na negosyo,” sabi ni Rene nang puntahan namin siya sa Baras, Rizal.
Ayon kay Rene, miss na niya ang showbiz pero hindi raw siya nagmamadali na magkaroon ng proyekto. “Ako naman kasi, kahit hindi na bumalik, kuntento at masaya naman ako sa takbo ng aking buhay. Pero sabi ko nga sa iyo, Morly, matagal din ako sa industriya kaya siyempre hinahanap din ng katawan ko ‘yung pag-aartista.”
Sa ngayon, napatapos na ni Rene sa pag-aaral ang tatlo niyang anak. “’Yun ang sinikap ko Morly, gusto kong magkaroon sila ng magandang kapalaran. May isa akong anak na gustong mag-artista, ‘yung junior ko, kaya lang medyo mahiyain pa siya ngayon,” pagwawakas ni Rene sa Pinoy Parazzi.
MARAMI ANG NALOLOKA kay Charice dahil feeling nito ay isa na siyang malaking artista since nang makilala siya sa ibang bansa. Nagsipagtaasan ng kilay ang maraming kaibigan namin sa showbizlandia nang mag-one-liner ang ina at alalay ng singer na hindi siya puwedeng interbyuhin ng mga Pinoy.
Teka, at isa pang teka. Alam kaya ni Charice na Pinay siya? Nakakaloka ang babaeng pisngi na ito na kung umasta ay para namang hindi siya “kinaiinisan” ng pamilya ng kanyang ama.
Balita namin, mula noon hanggang nga-yon ay “deadma” kay Charice ang kamag-anak sa father side niya, na siyang unang tumulong sa kanya kung bakit naririyan siya ngayon sa kanyang kinalalagyan.
Teka uli. Kailan ba huling dinalaw ni Charice ang lola niyang si Lola Thess? Ewan lang, ha? Pero kung paniniwalaan ang balita, nangungupahan na lang daw uli ngayon si Nanay Thess sa isang maliit na bahay sa Laguna?
More Luck
by Morly Alinio