Angelica Panganiban, ubos na ang pasensiya sa isang katrabaho?!

IS  GRETCHEN Barretto all poised to sue her mom Inday Barretto?

La Greta is reportedly so pissed off with the statement of her mom which showed clearly na kinampihan ni Inday ang bunso niyang anak na si Claudine sa latest war nito with her sisters.

Ang chika, dini-discuss na raw ni Gretchen sa kanyang lawyer ang statement ng kanyang ina. She’s seeking legal action yata.

Masakit nga naman ang tawagin kang evil ng iyong sariling ina.

“Do not call Claudine evil! Do not start giving away that title that belongs to you and you alone, now that it’s burning your palm and scarring your beautiful face,” sabi ni Inday sa kanyang statement

It would be interesting to know how Gretchen will address this recent controversy dahil alam naman natin kung gaano kaisnabera itong si La Greta.

Will she be brave enough to confront the issue and had herself interviewed sa The Buzz? Or will she just issue an official statement.

Let’s all wait and see.

Meron naman kakampi si La Greta, ang brother niyang si Joaquin who defended her. He said na at 12 ay binuhay na sila ni Gretchen at iginive-up ang kanyang education para mapag-aral lang ang mga kapatid niya.

MERON NA naman yatang kaaway si Angelica Panganiban.

“Instill work ethic!”

‘Yang ang ipinost niya sa kanyang Instagram account with this message: “Important ito :) haist….. Diba???!!!! Bato bato sa langit.. Ang tamaan… Sana matuto. I’ve been very patient with you… Actually hindi lang naman ako.. lahat kami.. May hangganan ang bawat tao.. Ayoko na!! #WhatHappened2You.”

Sino kaya ang pinatatamaan ni Angelica sa kanyang rants?

Obviously, Angelica is referring to somebody she’s working with. It could be one of her co-stars o kaya staff na nakatrabaho sa soap niya o sa gag show niya.

Blind item ang pagkakasulat ni Angelica ng kanyang hinaing and with that ay merong nagsasabing sana ay pinangalanan na lang niya ito.

But still there were some who say na it’s okay na wala siyang binanggit na name.

“But naming the person just makes it worse. That will just make the problem or misunderstanding public na di naman da-pat. At least ngayon, it is unclear. Kung meron mang madamay, fault na yun ng nag-interpret ng message niya at kung sino mang gumagawa ng rumors. She was very vague and she has the right to vent and post whatever she wants on her own instagram profile. :)” one fan wailed.

GINAGAWA PA lang ang first indie film ni Vilma Something ay panay na ang hype ng mga Vilmanian reporters na isasali ito sa 66th Cannes Film Festival.

Panay ang press release nila about the movie and it’s possible inclusion sa Cannes.

But the opposite happened. Hindi nakapasok ang movie ni Vilma. Mabuti pa ang  OTJ (On The Job) nina Gerald Anderson at Piolo Pascual pasok sa 66th Cannes Film Festival. The movie is included in the Directors’ Fortnight line-up.

Earlier, two Pinoy films have been included sa Un Certain Regard section ng Cannes, ang Death March ni Adolf Alix Jr. at Norte, Hangganan ng Kasaysayan ni Lav Diaz.

Walang kaingay-ingay ang mga movies na ito pero sila ang pumasok sa Cannes.

Panay ang drumbeat nila ng indie movie ni Vilma Something pero wala ring nangyari. Pahiyang-pahiya sila.

We were amused when somebody posted a comment sa isang popular website.

“NGANGA ang mga vilmanians! ipagyabang ba naman na inaantay na sa Cannes ang ekstra o ayan ang napala nila, LAGAPAK! tinalo pa sila ng OTJ na pasok sa Director’s Forthnight. tahimik lang sila pati ng Death March at ng Norte, Hangganan ng Kasaysayan. next time, wag muna magbilang ng sisiw ano. ang yayabang kasi, yan ang napala nyo, natememe kayo kasi, pagpapatunay lang na mas maganda ang tatlong pinoy movies na nakapasok sa Cannes this year kesa sa ginawa nyong kontrobersyal na Ekstra! yun na!.”

So true!

Saka, ‘pag inisnab ka ng Cannes ay siguradong HINDI KAGANDAHAN  ang iyong pelikula, hindi Cannes-worthy.

Intiende?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleKim Chiu, walang regrets sa mga pinagdaanan sa buhay
Next articlePinoy Parazzi Vol 6 Issue 56 April 26 – 28, 2013

No posts to display