Nabingi si Dingdong Dantes sa lakas ng sampal ni Angelica Panganiban sa isang eksena nila sa pelikulang “The Unmarried Wife” sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes. Pero okay lang sa actor, lumabas namang makatotohanan ang eksena.
Inamin ni Dingdong na first time siyang nakatikim ng ganu’n katinding sampal sa kanyang leading lady. Napahanga ang award-winning director sa husay ng dalawa sa aktingan.
Nag-sorry si Angelica sa kanyang leading man na si Dingdong after the take. Nadala raw kasi ang actress sa character na kanyang pino-portray as Anne dahil sa pangangaliwa ng asawa niyang si Geoff (Dingdong).
Sa past relationships ni Angelica, may nasampal na kaya siya sa mga ito? “Ita-try mong kausapin. Sa pagkakakilala ninyo sa akin, mukha lang talaga akong mataray. Pero kapag nagmahal ako, ‘yung ano, mas maintindihin, mas mahaba siguro ang pasensiya ko.
“Siguro kasi girl ako, ‘pag may karelasyon ako. Babaeng-babae ako. Kumbaga, siyempre, ita-try mong kausapin, ‘di ba? Pero wala naman talaga, idi-deny nang idi-deny kahit nakita mo na. Kaya nu’ng mga huli, tumahimik na lang ako. Hindi ko na kino-confront. Hinintay ko na lang na mapagod ako.
“Nasa stage akongayon na ako lang, ako lang muna. Pagsisilbihan ko muna ang sarili ko. Mamahalin ko muna ang sarili ko,” paliwanag ni Angelica sa presscon ng pelikula.
Inamin ng actress na ayaw niyang tumandang mag-isa. Gusto rin niyang magka-pamilya at magkaroon ng mga anak.
“Ang ideal lang sa akin, ayaw kong tumandang mag-isa. Magkaroon ako ng special someone, anak man ‘yun o lalaki o best friend, kahit na sino. Basta ayaw ko lang tumandang mag-isa,” sambit pa ng magaling na actress.
Sa ngayon daw, ini-enjoy muna ni Angelica ang pagiging single. Hindi pa niya ma-imagine ang sarili na maging married woman. Hindi pa raw nakikita ng dalaga ang lalaking magiging partner niya in life.
“Wala pang nakapagpapaniwala sa akin na kaya kong i-surrender lahat at pagsisilbihan ko siya habang-buhay,” aniya.
Naging madali para kay Direk Maryo ang trabaho niya bilang director, dahil puro magagaling na actor sina Dingdong, Angelica, at Paulo Avelino. Hindi siya nahirapang idirek ang mga ito lalo na sa dramatic scenes. Mabilis ang pick-up ng mga ito sa mga gusto niyang mangyari in every scene.
Pinabilib ni Paulo si Maryo J. sa dramatic scenes nila ni Angelica. Puro take one lang ang eksena ng dalawa. Kahit first time silang nagkasama sa pelikula, madali silang nagkapalagayan ng loob, enjoy sila sa isa’t isa.
“I’m very blessed actually to work with two very good actors,” sambitni Paulo.
Malaki ang paghanga at respetoni Paulo kay Dingdong kahit nu’ng time na nasa GMA 7 pa siya.
“I’ve always been looking up to Kuya Dong, not just for his talent as an actor and his artistry and his passion for films he’s producing but also as a role model para sa society natin,” papuring sabi ni Paulo.
Thankful din si Direk Maryo sa Star Cinema, kina Madam Charo Santos at Malou Santos dahil ibinibigay raw ng mga ito ang gusto niya – technical aspect. Nasasabi rin niya ang gusto niyang sabihin, lalo na sa production. Happy si Direk Maryo sa kinalabasan ng kanyang pelikula. Marami raw ang makare-relate sa pelikulang “The Unmarried Wife” na showing on November 16 nationwide.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield