Angelika dela Cruz, sunud- sunod ang dagok sa buhay!

WALA PA RIN palang kasiguraduhan kung si Angelika dela Cruz na nga ang papalit sa naiwang puwesto ng namayapang kapatid na si Edward dela Cruz bilang konsehal ng munti naming bayan ng Malabon.

Matatandaang may pahayag ang mag-anak ng yumaong si Edward na ang gusto nila ay si Angelika ang humalili sa kapatid. May nabalitaan pa kaming nag-rally na mga tao patungong Malabon City Hall, supporters ng magkapatid.

Sa ngayon ay patuloy nila itong ipinaglalaban, na may karapatan ang kadugo na humalili sa naturang puwesto.

Pero wala pa ang isang buwan mula nang namatay sa vehicular accident si Edward, heto’t may panibagong “dagok” na naman ang dumating sa buhay ni Angelika.

This time, ang 19-year-old adoptive brother naman niyang si Erick ang may matinding health problem – may sakit itong pneumothorax o collapsed lungs. At kinakailangan nitong maoperahan agad, nu’ng dinala na ng aktres ang kapatid sa St. Luke’s Hospital, at doon nabatid, mula sa medical diagnosis ni Erick, na mahina na ang baga nito, as in halos nagma-malfunction na, kung kaya’t hirap na hirap itong huminga.

Humigit-kumulang sa half a million pesos ang gagastusin sa operasyon. Kaya nga ang real concerned friends ni Angelika, tulad ni Jodi Sta. Maria, ay may fund raising event na gaganapin sa July 10, 8pm, sa Barrakz Bar sa Tomas Morato, QC.

Malaking pagsubok na naman ito sa pamilya ni Angelika at kahit nga ang ama nilang si Daddy Ernie ay na-confine din recently due to pneumonia naman, pero nakalabas agad ng ospital. Ang asawa ni Angelika na si Orion Casareo ang tumulong na mailipat sa Lung Center si Erick, dahil ito ang specialization ng nasabing ospital.

Muling ooperahan dito si Erick upang magamot ang lungs nito, kung kaya’t nagpapasalamat si Angelika sa kanyang dear friends na handang tumulong sa oras ng ganitong pangangailangan.

Bukod kina Edward at Erick, ang isa pang kapatid ni Angelika ay ang ABS-CBN child actress na si Mika dela Cruz.

As for Angelika, kahit nagdurugo ang puso nito lately, alam nitong makakayanan rin niya ang mga hamon na ito sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya. Mairaraos yan, Angelika, let’s just pray.

NAI-ANNOUNCE NA ANG official entries ng Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) 2010 for Christimas this year, at pasok sa list ang “Rosario” na ididirek ni Albert Martinez.

Bida si Jennylyn Mercado bilang Rosario, na isang Carnival Queen na makulay ang buhay. Kaya nga’t drama-filmbio ang nasabing obra ng Cinemabuhay Films, dahil 1930s-40s ang tatakbuhing plot ng pelikula.

Sa mga ganitong film festivals naman sa Pinoy Cinema tayo dapat may makabuluhan at quality films ang dapat na mapanood, hindi puro horror o walang kawawaang comedies, na kumita lang, kahit basura naman ang quality, eh patuloy na namamayagpag sa box-office.

Kasama rin sa cast sina Yul Servo, Ricky Davao, Sid Lucero, Isabel Oli, Eula Valdez, Empress, and Phillip Salvador.  Kung tama ang dinig namin ay may special participation din si Dolphy.

Mismong si Dolphy ay may MMFFP entry na naman this year, ang “Father Jejemon”, kahit may entry na siya last year, ang “Nobody, Nobody But Juan”.

Nagsanib-puwersa naman sina Bong Revilla, Jr. and Vic Sotto at kung ilang film companies ‘yun sa “Ang Agimat ni Enteng”.

Pasok na this time si Marian Rivera after maudlot last year ang kanyang entry.  This time, its “Super Inday and the Magic Bibe” mula sa Regal entertainment na malamang makasama nito si Jillian “Trudis Liit” Ward.

Ang iba pang MMFFP entries ay ang:  “Ang Tanging Ina Mo Rin (Last na To!)” ni Ai Ai delas Alas; “Dalaw” na isang suspense thriller; “RPG” na isang an animation film, with Aga Muhlach doing the lead voice; at “Shake, Rattle and Roll XII”.

As for “Rosario”, tila ito lamang ang may matinding drama material kaya suwerte rin si Jennylyn dahil swak siya sa role at tingnan natin kung maka-score na siya this time ng Best Actress award from MMFFP.

Follow us on twitter at www.twitter.mellnavarro.com

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleBirdie ni Luis Manzano, nag-hello sa shooting ng Petrang Kabayo!
Next articleKakulitan ng Gigger Boys, niresbakan!

No posts to display