MUKHANG EPEKTIB ang tambalang Erik Santos at Angeline Quinto sa pagkakataon ito. Hindi ko na uuriratin kung ang sa kanilang “something” ay puwede kong seryosohin or sakyan ko na lang. ‘Di nga ba’t natsi-tsismis na ang dalawa diumano ay may something na ewan ko naman talaga kung tutoo o hindi?
Pero sa usapang musika, swak na swak ang dalawa lalo pa’t sila yata sa mga bagong liga ng mga singers natin na ang mga kanta ay ginagawang theme songs sa mga teleserye.
Yes, si Erik ay 34 na kanta niya ang nagamit na as theme songs sa mga teleserye. Si Angeline naman, naka-twenty seven na. Kaya kung sakaling magsama man ang dalawa para sa isang totoong concert, not bad para sa bibili ng tickets para sa show, lalo pa’t doble ang pakinabang ng manonood. May Erik ka na, may Angeline ka pa.
Kaya nga dapat sa mga nagtatangka na mag-show sa Araneta, mag-isip-isip naman dahil sa hirap ng buhay, parang nininakawan mo ng singkuwenta pesos ang manonood sa mga walang wawang performance na gagawin mo sa ibabaw ng entablado, just like the recent very very bad show ni Alex Gonzaga. Production value wise, waley, ‘ika na. Mabuti na lang never ako naging fan nitong si Alex at magsusugal ng kung ilang daang piso para panoorin siya.
I admit dalawa sila sa Top 10 Pinoy singers natin sa kasalukuyan na nasa listahan namin. Kaya nga maganda ‘yong idea ng Cornerstone Productions na for the first time ay pagsamahin ang dalawa sa isang show na magaganap sa Araneta Coliseum come August 15 para sa mga tinaguriang mga “King and Queen of Theme Songs of This Generation” na akma lang ang ganu’ng “tag” o katawagan sa kanila, dahil most of the teleseryes na napapanood natin sa Kapamilya Network, kung hindi si Erik ang may boses sa likod ng theme song, asahan mo, ang boses ni Angeline ang maririnig mo sa opening at closing scenes ng teleserye, bukod pa sa ginagawang bridge music ang kanta ni “Angge” lalo na ang mga hugot scenes na napanonood natin sa Primetime Bida.
As solo performer, swak at stand-out ang kakayahan ng bawa’t isa. Kung matatandaan, si Erik ang first grand champion sa Star In A Million noong 2003, at si Angeline naman ang kauna-unahang Star Power winner noong 2011. Na dahil sa galing nila sa pagkanta, until now ay consistent pa rin ang dalawa sa ipinamamalas nilang talent.
Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng dalawa ang naturang concert na idi-direk ni Mr. M (Johnny Manahan) para sa mga fans and non-fans ng dalawa na mahilig sa kantahan at manood ng concerts.
Special guests sa concert sina Martin Nievera at Regine Velasquez. Knowing Mr. M, I’m sure hindi ito isang konsert-konsertan sa Araneta Coliseum na ginawa lang for the purpose na “mairaos” lang.
Reyted K
By RK VillaCorta