UMANI NG malakas na hiyawan at palakpakan ang equally brilliant singers na sina Angeline Quinto at Erik Santos sa kanilang back to back show na ginanap last May 20 entitled “Moments of Love” na hatid ng SMDC Date Night na ginanap sa SMDC Grand Showroom, SM Mall of Asia Complex, Pasay City sa ganda at galing ng performance ng mga ito sa nasabing show.
Nag-enjoy nang husto ang mga taong naroroon sa mga inihandang awitin nina Angeline at Erik. Pero marami ang nakapansin sa sobrang sweetness ng dalawa, kaya naman nakadagdag ng kilig factor sa mga naroroon ang makita ang dalawa na kung pagmamasdan ay parang kumpirmadong may mas malalim na relasyon nang pinagsasamahan ang mga ito, bukod sa pagiging matalik na magkaibigan.
At kahit nga walang pag-aming namumutawi sa mga labi ng dalawa, kitang-kita naman daw sa bawat kilos nila na espesyal sila sa isa’t isa at masaya ‘pag magkasama.
Arnell Ignacio, pinasok na rin ang pagma-manage ng talent
PINASOK NA nga ang pagma-manage ng isa sa mahusay na host/ comedian/ businessman/ actor at isang mabait na kaibigan na si Arnell Ignacio.
At ang kanyang protege ay ang guwapo at very talented na si Ken Psalmer na naging front act sa thanksgiving concert ni Ai-Ai delas Alas sa SM North Edsa Sky Dome at sa benefit show sa The Library para kay Ms. Joy Viado.
Tsika nga ni Arnell na napakasarap daw tulungan ni Ken, dahil damang-dama raw nito ang sobrang pagmamahal ni Ken sa kanyang trabahong pinasok, ang pag-awit. Bukod pa sa may potential naman daw ito, dahil magaling umawit at guwapo.
Bonggang Kite Flying Festival, gaganapin sa Wind Residences sa TagayTay
BAGO MATAPOS ang summer ay isang bonggang-bonggang Kite Flying Festival na hatid ng SMDC ang magaganap sa May 23, 2015 ganap na 1-6 pm sa Wind Residences, Tagaytay City.
Mapanonood dito ang naggagandahan, makukulay, at naglalakihang saranggola. Ito’y dadaluhan din ng ilang celebrities na makikisali sa pagpapalipad ng saranggola.
Kaya naman sugod na at dalhin ang inyong pamilya sa Wind Residences, Tagaytay City at sabay-sabay na magpalipad ng saranggola.
John’s Point
by John Fontanilla