AND SPEAKING of English Only Please, tinatanong n’yo siguro kung anong klaseng pelikula ito, ‘no?
Actually, ito’y entry ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo at Heaven’s Best ni Harlene Bautista sa darating na Metro Manila Film Festival.
Si Derek ay sureball na at ewan kung confirmed na bang si Angeline Quinto ang gaganap na leading lady niya. Maganda ang kuwento. Simpleng romantic comedy na pampamilya rin, siyempre. Pero ang nakakatuwa kay Atty. Joji, hindi siya ilusyunadang magta-topgrosser ang movie, dahil aminado naman siyang ano’ng panama niya sa ibang entries.
Pero gusto niyang maghain ng kakaibang rom-com na tiyak na magugustuhan ng masa.
Eh, pa’no naman kami napasok sa eksena?
Nakakatuwa, dahil si Atty. Joji pa mismo ang tumawag sa amin. “Nagustuhan ko ‘yung performance mo sa ‘Maybe This Time,’ Ogs, as Mama Mae. Lahat ng tao, ‘pag ikaw na, tawanan talaga sila. Kaya naniniwala akong malaki ang maiko-contribute mo sa movie.”
Ang nakakatuwa kay Atty. Joji ay nagsabi pa siya ng, “Kung ano’ng gusto mong idagdag sa script o sa eksena, just let me know, open kami diyan.” Eh, siyempre, una na ay ang pagtitiwala ng producer sa aming kapasidad na makaka-contribute kami sa movie.
Saka gusto rin naming pasalamatan si Direk Jerry Sineneng, dahil “pinayagan” nito ang aming mga kagagahan sa Maybe This Time, kaya naman kahit paano ay nag-shine din naman ang aming beauty (kung meron, ha?).
Kaya hayan at i-involve na namin ang sarili sa English Only Please, kaya sana ay magustuhan ng 12 fans namin. Hahahahaha!
Oh My G!
by Ogie Diaz