Malaki ang pasalamat ni Angeline Quinto sa tiwalang ibinigay sa kanya ng mag-inang Roselle at Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment dahil binigyan siya ng role sa pelikulang “That Thing Called Tanga Na”, showing na on Aug. 10.
“Kay Mother Lily, hindi man po kami ganu’n ka-close, ‘di ba? Pero ‘yung tiwala na ibinigay sa akin, pati ni Tita Roselle, sobrang thankful ako. Kasi ang dami-daming artista na puwedeng gumawa n’yon, pero ako po ‘yung pinili nila.
“Prinamis ko naman, lalo na kay Direk Joel (Lamangan) din na kung ano ‘yung makakaya ko sa pag-arte, talagang ibibigay ko po,” sey pa niya.
Sa mga nakapanood na ng trailer ng movie, mukhang effortless ang pagpapatawa rito ng singer-actress.
“Pero kahit na nakakatawa talaga ako sa totoong buhay, may effort pa rin po pagdating sa pag-arte kasi sinasabi nila na kapag singer ka, magaling ka raw umarte… parang mahirap din, kasi wala namang tono, ‘di ba?
“So kailangan talagang magaling ka sa timing. Importante rin na bago mo gawin ‘yung eksena, alam mo talaga ‘yung gagawin mo, eh. Huwag kang aarte na hindi mo alam ‘yung ginagawa mo, kasi mas mahirap.
“Mas malaking bagay rin po ‘yung nagkokonek kayo ng director. Na ‘yung director saka ikaw, kumbaga, pareho kayong nagkakaintindihan. At least, kung ano ‘yung gusto niyang mangyari, ‘yon din ‘yung maisip mo at magagawa mo rin,” katwiran pa niya.
La Boka
by Leo Bukas