AKMA LANG para sa biritera na si Morissette Amon ang title ng first major concert niya entitled “Morissette is Made” na magaganap sa Araneta Colesium come February 20.
Yes! The singer who hails from Cebu is now made lalo pa’t sa hanay at liga nila (Angeline Quinto, Klarisse de Guzman at Jona) na members ng “Biritera” ng Sunday ASAP ng Kapamilya Network ay siya ang una sa kanila na makapag-show ng sariling concert na pangarap ng bawat singer-performer-entertainer sa the Big Dome.
With Morissette is Made concert, does this mean Angeline is out and she is in? Never pa kasi si Angeline nagkaroon ng sarili niyang concert sa Smart Araneta na isa rin sa mga batayan ng kasikatan ng isang singer or performer.
“Hindi po. Wala pong ganun. Friends kami ni Angge. Walang ganung intriga. Pana-panahon lang talaga.
“Last December magkakasama kami sa US with a series of shows. Friends po kami ni Angge. Kaming apat (Klarisse and Jona). Walang intriga,” paliwanag ng singer.
Sa katunayan, Morissette is compared and pitted with Angeline Quinto na mas nauna magka-career at nakilala sa showbiz pero siya pa ang ang mas nauna magkaroon ng sariling show sa almost 19 thousand seating capacity na show venue.
With the likes of Regine Velasquez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Sarah Geronimo, hindi matatawaran ang talent at galing ng dalaga na for me personally, ito ang tamang panahon para sa singer na magsambit ng pagbati sa kanyang audience ng “Hello Araneta” na classic opening lines ng mga artists, local man or international na nagpe-perform sa naturang venue.
“Nakakatakot. I’m scared. Pero sana mapuno ko,” pahayag ng dalaga sa nalalapit niyang concert.
Sa ngayon inaayos pa ang line up ng mga guests sa show niya. ” Ayaw pa po namin iconfirm kung sino ang nasa final line-up but Journey’s Arnel Pineda is one of my guests,” kuwento niya.
Sa creative aspect ng show ay hands-on ang singer sa repertoire niya. “I believe in Direk Paolo Valenciano. Ang galing niya,” pagmamalaki ni Morissette sa kanyang director.
Morissette first major concert is produced by BMPI headed by Daniel Razon. Tickets available at TicketNet.
Reyted K
By RK Villacorta