ANGELO ANTONIO Maristela is his name. There are only a limited number of artists who can bring an inanimate object to life. He is a natural hyper-realist painter who can transform a picture into an almost breathing figure. For this, he has mastered the art of portraiture, which is not an easy thing; for painting a human face is very subjective.
He embarked into abstract and impressionism; uniting a vast array of colors and figures on his canvas. He does this mostly for corporate and commercial projects.
Kuwento niya, “Noong bata pa ko simula mga 3 years old, paper sculpture ang lagi kong ginagawa. Gumagawa ako mga robot, voltes 5, mga tao… At the age of 13, I started to earn selling my artworks.”
Dati ginusto niyang maging teacher/educator pero naiba ang kanyang pangarap at naging isang Advertising major, BS Fine Arts sa FEU. “Doon ko na-realize na ito na ang buhay ko.”
Siya ay kinumisyon ng ilang paintings para sa mga sikat na restaurant, mga ospital, bangko at mga pribadong indibidwal sa Pilipinas, USA at Qatar.
Sa mga kumpetisyon, kabilang siya sa isa sa mga finalist sa Philip Morris Art Awards. Isang prestihiyosong kumpetisyon. Kinilala siya rito bilang isang international artist.
Napili sa pamamagitan ng arte, nagtungo siya sa Las Vegas, Nevada. Naimbitahan sa pinakamalaking gallery sa estado, upang sumali sa kanilang mga dynamic na hanay ng mga artist. Naimbitahan din siya para sa isang eksibisyon sa Philippine Center sa New York.
Nai pakita rin ang kanyang mga gawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo tulad ng Timog-Silangang Asya at Europa.
Dumating siya sa Doha noong 2009. Siya ay gumagawa ng kahanga-hangang mga gawa ng sining na ngayon ay koleksyon na sa ilang mga eksklusibong tirahan at komersyal na mga villa sa kabuuan ng lungsod at ng Pearl, Qatar.
Ang kanyang pinakabagong abstract na piyesa ay kasalukuyang ini-exhibit sa Bilal Pearl Suites. Isang 7-star Residential Building sa Pearl, Qatar. Maraming beses na rin siyang itinampok sa mga magazines at sa Qatar TV. “Dito sa ibang bansa, ang work ko ay creative designer/ artist ako.”
Nagkaroon siya ng maraming solo exhibit at TV appearances, interviews, magazine write-ups, atbp.
PANINIWALA BILANG ARTIST PAINTER
“Prinsipyo at pagiging malaya. Katulad noong 18 years ago noong una kaming naging magkaibigan ni Maestro Orobia, ipinakita niya sa akin ang pagiging matapang at wild. Heheheheh! Totoo naman kasi ‘yun, hahaha! Isang maliit na tao lang ako noon at ikaw ay celebrity na para bigyan mo ng pansin ay napakalaking bagay sa akin ‘yun, hehehe…
“Sa aking sining, I always make sure that my last painting would always be better than previous… anyways, every person is unique. Madaling mailibro lalo na kung ang writer ay nakabase sa 2 exhibit lang. At P35,000 lang, alam ko ang kalakaran. Pero ang tanong, ‘yan na ba ang basehan ng kultura ng isang bansa na malaya?”
Aniya, “Maraming pintor na sumikat at kailanman ‘di nakiusap sa mga publisher o media na umasa na mailibro. Ang author ang mismong nagsusulat sa buhay ng iba nating kapatid sa industriya o alagad ng sining. Ang pintor para sa akin sa panahon na pinasok mo ay magkakaroon ka dapat ng tungkulin na alagaan ang pangalan at prinsipyo mo. Para tayong ginto o diamond, tumataas ang pagpapahalaga kung maganda ang kilatis.”
Tama ka d’yan! Kung papa’no ka nagsimula, roon ka magtatapos. At ang dugo mo ay pintura at mga ideya ng iba’t ibang kulay sa sining.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments e-mail: [email protected]; cp # 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia