LOVING HUSBAND, very supportive, at kanyang number one fan. Ito ang description ni Angelu de Leon sa kanyang guwapong asawang si Wowie Rivera. Kaya naman daw very thankful siya kay Lord dahil ibinigay sa kanya si Wowie.
Kuwento nga ni Angelu, “I think, ang pinakagusto ko sa relationship ko with my husband is because he’s also my number one fan. I mean, it boosts my confidence, kasi parang na-appreciate niya ang talent ko. Hindi niya ako hinadlangan, kasi siya, gusto rin niya akong mapanood.
“Like noong isang araw, sinurprise nila ako sa taping ng Buena Familia, tapos nakita niya ‘yung malalaking ilaw. Sabi niya, ‘Nakaka-taping ka nang ganun kainit?’ Kasi ‘yun ‘yung ilang pangyayari na nakikita niya ang paghihirap ko, kaya naiintindihan niya ako.”
Wala na nga raw mahihiling pa si Angelu, dahil bukod sa pagkakaroon ng mabait na asawa, mababait din ang kanyang mga anak, matagumpay ang negosyo, at maganda ang showbiz career. At ang pasasalamat daw ay ibinabalik niya kay Lord.
Idolito Dela Cruz, gustong maka-duet ang Air Supply at si Martin Nievera
ANG PAGTULONG daw sa mga baguhang talento na nagnanais maging part ng showbiz industry ang isa sa layunin ni Idolito Dela Cruz kasama sina Dennis Dela Cruz at Benjie Benito ng Bestfriends Music Productions and Talent Management and Entertainment Production, Co.
Ang pagbibigay-oportunidad nga na magkaroon ng tamang training sa singing, acting, hosting, at dancing ang ginagawa nila sa kanilang talents. Bukod dito ang pakakaroon ng sariling album at indie film ng mga ito na sila mismo ang nagpo-produce.
Bukod sa pagtulong, isa ring singer si Idolito, kung saan meron itong album, ang “Ngayong Nandito Ka Na”, kung saan nakapaloob ang mga awiting sure hits like “Lumaban Ka”, “Ngayong Nandito Ka Na”, “All The Time”, “Itaga Mo Sa Bato”, at “Mundo Ay Nagbago”.
Sa launching nga ng kanyang album na sabay sa mismong kaarawan niya kamakailan, maraming kapatid sa panulat ang humanga sa husay ng boses nito na animo’y Air Supply ang maririnig mo sa tuwing aawit ito.
Tsika nga ni Idolito, isa ang Air Supply sa paborito niyang mang-aawit at si Martin Nievera. Pangarap nga nito na maka-duet sa isang konsiyerto ang Air Supply at si Martin.
Grupong Updgrade, pangungunahan ang Green Hope Run 2015
PANGUNGUNAHAN NG Internet Group Sensation na Upgrade ang “Green Hope Run” na hatid ng The Aqueous Group And Company and its subsidiary Aqueous Events, producer ng maraming successful concerts and other medium to large-scale events.
Ang Green Hope Run 2015 (Ibalik Ang Kawayan Sa Meycauayan) ay isang eco-tourism project na gaganapin sa Sept. 27, 2015 sa Ema Town Center, Bamboo Park, Meycauayan, Bulacan.
Ito ay isang run for a cause, in partnership with the Local Government of Meycauayan City, Bulacan and ABS-CBN Bantay Kalikasan Foundation through its Green Initiative Project.
John’s Point
by John Fontanilla